MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong Linggo, sunod-sunod ang tanong sa kanya ng asawa ng dating senador na si Mar Roxas tungkol sa kasal nila ng girlfriend na si Julia Barretto.
Tanong ni Korina: “Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?”
Nakangiting sagot ni Gerald, “‘Di naman, ‘di naman po.
“You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na ‘yun, eh.
“Hindi naman ako, kumbaga, ‘yung 25-year-old na, ‘di trabaho muna ako, career muna ako.’
“You know, honestly, generally, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point.”
Sundot na tanong ni Korina, “So, it’s gonna be Julia you think? ‘Di mo masabi?”
Paniniguro ni Gerald: “No, siya talaga.”
Well, wish lang namin na sina Gerald at Julia na nga sana ang magkatuluyan at diretso na sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.