RATED R
ni Rommel Gonzales
LOVELESS si Samantha Lopez, pero masaya siya kahit walang karelasyon. Ano ang sIkreto?
”Self love. Being busy. Single and complete.”
Sexy at fit at uso ang sexy films, papayag ba si Samantha na magpaka-daring sa harap ng kamera para sa isang pelikula?
“It doesn’t interest me at this point in my life,” simpleng tugon niya.
May mga plano rin siya sa kanyang career na hindi konektado sa pag-aartista.
“I have several business investments, at magkakaroon din ng ako ng restaurant,” patikim na sagot ni Samantha sa mga business venture na bubuksan niya.
Ano ang advise na maibibigay niya sa mga kababaihan, lalo sa mga kaedad niya na passion ang fitness, health at well-being?
“Age is just about your mindset. You are what you eat. We gotta move because move is the lube. Live and laugh.”
Fifty-four years old si Samantha sa Oktubre.