COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NATUTUWA kami at nag-enjoy si Jeric Gonzales sa taping ng Mga Lihim Ni Urduja. Isa ‘yan sa pangarap niya na makagawa ng mga action role kasama si Kylie Padilla na hindi rin nagpapahuli sa mga action scene niya dahil sa mga training niya with her dad, Sen. Robin Padilla.
Sana matuloy ang guesting ni Robin bilang suporta sa anak. Alam naman natin kung gaano ka-busy ang senador sa kanyang public service.