MA at PA
ni Rommel Placente
SPOTTED lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet. Kaya naman hindi maiiwasang mag-isip ang nakakakita sa kanila, na may namumuo na silang relasyon.
Kahit si Ogie Diaz ay nag-iisip, na may something na nga kina Cristine at Marco. Kaya tinex niya si Marco para tanungin kung sila na ba ni Cristine.
Ang reply sa kanya ni Marco, ay si Cristine na lang daw ang tanungin.
So, base sa naging reply ni Marco kay Ogie, mukhang sila na nga ni Cristine at ayaw lang ng aktor na sa kanya manggaling ang confirmation.
Kung hindi pa kasi sila, dapat ang naging sagot ni Marco kay Ogie ay hindi sila ni Cristine, ‘di ba?
Si Cristine kaya, kapag siya naman ang tinext ni Ogie para tanungin kung sila na ni Marco, ano kaya ang magiging sagot nito? Aamin kaya siya?
Pero kung sina Cristine at Marco na naman, walang magiging problema. Pareho na naman kasi silang single. Si Cristine ay hiwalay na sa dating karelasyon na si Ali Khatibi, na nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Amarah.