Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz Sangalang, thankful sa magagandang project at pag-aalaga ng Viva

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG level na ang paghataw ng career ni Benz Sangalang. Bukod kasi sa sunod-sunod ang magagandang projects niya ngayon, bida na talaga ang guwapitong talent ni Jojo Veloso.

Biggest break ni Benz ang Hugot mula kay Direk Daniel Palacio. Ukol sa basketball ang pelikula, kaya sobrang makare-relate si Benz sa role niya rito. Mahilig kasing maglaro ng basketball ang aktor.

Co-stars ni Benz sa Hugot sina Azi Acosta, Stephanie Raz, Apple Castro, Mark Anthony Fernandez, Joko Diaz, at Julio Diaz.

Bago ang Hugot, mauuna raw munang mapanood si Benz sa pelikulang Sex Games.

Kuwento niya sa amin, “Sex Games po ang mauuna, sa April 28 po yata ito mapapanood sa Vivamax.”

Nabanggit din niya ang kaunting patikim sa bago niyang pelikulang ito.

Wika ni Benz, “Tungkol po iyan sa mag-asawa na nag-e-experiment pagdating sa sex. Ako po ay isang seminarista rito sa movie… kasama ko po rito sina Azi Acosta, Josef Elizalde, at Sheree Bautista.

“Ang karomansahan o ka-love scene ko rito ay si Azi po,” natatawang sambit niya.

Sa pelikulang Hugot ay nabanggit niyang matindi ang pressure para sa kanya.

Pahayag ni Benz, “Sobrang pressure po, bukod kasi sa unang title role ko ito ay umaasa ako na maganda ang kalalabasan ng pelikula dahil maraming drama scenes po rito na bihira kong gawin sa pelikula.”

Iyong Hugot na movie ba may double meaning?

Nangingiting bigkas niya, “Kasi may hugot po sa mga liga ng basketball hindi po ba, na parang import?

“So, bale import po ako rito, tapos puwede rin isipin ng iba na hinuhugot iyong tungkol sa kargada… sa babae… pagdating sa romansahan, hahaha!” Nakatawang sambit niya.

Kaabang-abang ang maraming bed scenes sa naturang pelikula at hindi ito dapat palagpasin.

Ipinahayag din ng aktor ang kagalakan sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Viva.

“Siyempre po masaya ako at nagtitiwala sa akin ang Viva, na ibigay sa akin ang malalaking projects na ito at hindi nila ako pinababayaan,” masayang wika ni Benz.

Si Benz ay unang napanood sa Vivamax via the movie Secrets. After magpatakam sa pelikulang ito ni Direk Jose Javier Reyes, ibang Benz naman ang nakita sa kanya sa Sitio Diablo ni Direk Roman Perez, Jr., sumunod ay sa Bata Pa Si Sabel, at pagkatapos ay sinundan ito ng seryeng Erotica Manila.

Umaasa ang aktor na patuloy na mabibigyan ng mgaganda at challenging na role sa bakuran ng Viva.

Anyway, si Benz ay isa sa binansagang Pambansang Barakos ng Vivamax na lahat ay alaga ni Jojo Veloso. Ang iba pang kasama niya rito ay sina Rash Flores, Chadd Solano, Alvaro Oteyza, at Aerol Carmelo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …