Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto Paupahan

Robb Guinto, tiniyak na kaabang-abang ang pelikulang Paupahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na tinatampukan nina Robb Guinto, Jiad Arroyo, at Tiffany Grey. Mapapanood ito simula sa April 1 sa Vivamax Plus. Samantala ang world premiere naman nito ay sa April 8, sa Vivamax.

Ang Paupahan ay sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio at mula sa panulat ng prolific actress/writer na si Quinn Carrillo. Ang Paupahan ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, line producer dito si Dennis Evangelista.

         Inusisa namin si Rob ukol sa kanilang pelikula.

Esplika ni Robb, “Ako rito si Katherine, fiancè ni Nico na ginagampanan ni Jiad. Sa pelikula, si Katherine ay isang nurse sa Canada, pangarap magkaroon ng maayos at buong pamilya, kasama si Nico.

“Paupahan is a story about Nico, his fiancé, and a landlady na ginagampanan ni Tiffany. Si Nico ay isang struggling model, ginagamit niya ang charm niya para makuha o magawa ang mga bagay na pabor sa kanya.”

Pagpapatuloy ng magandang talent ni Lito de Guzman, “Ako as her fiancée  ay sumusuporta sa kanya financially. Nagsisikap ako as a nurse sa Canada, trying to save money so that I could go back to the Philippines and settle down with Nico. Si Katherine ay napaka-supportive na partner, mapagpasensiya, understanding, at mapagmahal.

“Kumbaga, all in one package siya… ang kaso nga lang, hindi nakikita ni Nico iyon. Nakikita lang niya sa kanyang fiancée is babaeng papadalhan siya ng pera at bubuhayin siya.

“While she’s away, Nico is trying to find ways na mapabilis ang ‘break’ niya sa kanyang career as a model. Pero hindi nga lang siya sinusuwerte at madalas walang trabaho.

“Isa sa steps na ginawa niya ay humanap ng marerentahang bahay malapit sa mga agency na pinupuntahan niya, dito niya na-meet si landlady.”

Dagdag ni Robb, “Si landlady ay maganda at bata pa. Dito pumasok sa  isip ni Nico na i-take advantage ito. Ginamitan niya ng charm para mapababa ang renta niya rito.

“To make long story short, nakalipat si Nico sa murang halagang renta o paupahan. Ang hindi niya alam ay may tinatagong sikreto pala itong si landlady.

“Si landlady ay tahimik at mahiyain lamang. Pero sa ilalim ng kanyang tahimik na personality ay isang sikreto na nagbibigay mystery sa pelikulang ito.”

Nabanggit ni Robb kung bakit dapat panoorin ang kanilang pelikulang Paupahan.

Aniya, “May napakagandang elemento at sorpresa ang pelikulang ito na hindi ko na muna sasabihin para po abangan ninyo. A balance of sexy and thrilling scenes ang makikita po ninyo sa movie.

“Mamamawis ang inyong mga mata sa drama na inyong makikita, kasabay ng pagpapawis ng katawan ng manonood sa init ng mga eksena rito. Kaya huwag na huwag ninyong palalagpasin ang aming pelikula.

“Abangan po ang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8,” nakangiting diin ni Robb.

Anyway, from Rob Guinto ay Robb Guinto na ang ginagamit niyang screen name, bakit niya dinagdagan ng isa pang letter B ang kanyang pangalan?

Lahad ni Robb, “Kasi po, ayon daw sa Feng shui ay malas ang tatlong letra sa pangalan, kaya po dinagdagan ng isa pang letter ang name ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …