Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Ogie Diaz

Ogie kay Liza — wala akong matandaang kinontra kita

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY ng reaksiyon si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog tungkol sa mga sinabi ng dati niyang alaga na si Liza Soberano nang mag-guest ito sa Fast Talk With Boy Abunda. Na ayon kay Liza ay may tampo siya kay Ogie. 

Tinatawag pa raw siya nitong anak, pero nagsasalita naman daw ito ng walang katotohanan o kasingunalingan tungkol sa kanya.

Kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Ate Mrena, muling pinag-usapan ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon nI Liza.

Bungad kay Ogie ni Mama Loi, “Ang daming naghihintay ng sagot mo roon sa interview ni Liza Soberano kay Tito Boy Abunda. Dahil nga hindi nila narinig noong nakaraang episode kaya abang na abang sila kung ano daw ‘yung magiging reaksiyon mo.”

Sagot ni Ogie, “Alam mo, Loi, hindi na para sabihin ko pa kung ano ‘yung mga gusto kong sabihin doon sa mga sinabi ni Liza.

“Hangga’t maaari, hangga’t kaya kong unawain ang dati kong alaga na hanggang ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano ‘yung kanyang paniniwala, kasi paniniwala ‘yon ni Liza.

Roon na lang tayo sa cliffhanger, kasi ito ginagawa po ito [vlog], hindi pa lumalabas ‘yung part two ni Kuya Boy. Kasi may cliffhanger doon eh.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang ikalawang bahagi ng interview ni Liza na umere noon ding Lunes March 13, makalipas lamang ang ilang oras matapos i-post ni Ogie ang kanyang vlog.

Sundot na tanong ni Mama Loi, “Oo, ito ‘yung kung galit nga raw si Liza Soberano kay Ogie Diaz?”

Sabi ni Ogie, “Feeling ko, sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin. Pero ako, wala. Galit, tampo? Wala.

“Lagi ‘yung prayers ko na sana ay nasa maayos na lagay si Liza.

“Nasa maayos ang kanyang mindset, state of mind niya. ‘Yun lang, hindi para kontrahin si Liza. Kuwento niya ‘yon, eh.”

Hirit pa sa kanya ni Mama Loi, “Ikaw, Nay, ano naman ‘yung kuwento mo?

“Hindi ako… ewan ko ba, parang nakakapagod na rin naman itong sagot-sagutan, ganyan.

“Kasi nakalulungkot, Loi, sa panahon na mina-manage natin si Liza kasama ang Star Magic at ABS-CBN, hindi naman involved sa internal deals management ‘yung mga tao.

“Hindi rin para i-discuss sa public kung paano namin siya nai-manage. At the end of the day, naging Liza Soberano siya, ‘yun ang importante.”

Ayon kay Mama Loi, hiling ni Ogie na huwag nang magsalita si Liza para mahinto na rin ang pamba-bash sa aktres.

Agad naman itong sinang-ayunan ni Ogie.

Aniya, “Oo, ‘yun lang talaga. Ako ‘yung tatay, eh. Nahe-hurt din ako na parang, ‘Bakit ginaganito ‘yung bata at nagaganito ‘yung bata? Nadya-judge agad siya.’

“Kahit naman ako nadya-judge rin ng mga tao, pero wala akong pakialam kasi ako ‘yung matagal na rito. Mas alam ko ‘yung laro rito sa industriya lalo na sa social media.

“Karamihan diyan, hindi naman kapitbahay lang ang mga marites, lahat ng mga may social media, marites.

“So, as long as mayroong nakalagay na comments section na puwede kang mag-comment, nagko-comment ang mga tao, kahit hindi nila alam ang puno’t dulo ng lahat.”

Ayon pa kay Ogie, maging siya ay nanlulumo sa mga nangyayari. Maniwala man daw ang iba o hindi ay wala siyang ibang hinangad kundi mapabuti ang aktres.

Sumasagot lang naman ako o sinasagot ko lang kung ano ‘yung para sa akin [ay nangyari], ito naman ‘yung totoo para sa akin.

“Kaya kung may tampo man si Liza sa akin, dahil kilala ko ‘yung bata, mayroon siyang anggulo na parang malungkot siya, sorry, anak, kung na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita.

“Pero wala akong matandaan na kinontra kita, kundi sinasabi ko lang kung ano ‘yung sa alam ko ‘yung totoo,” aniya pa.

At least, si Ogie marunong magpakumbaba. Nag-sorry siya kay Liza, dahil sa tingin ng aktres  ay na-offend siya ng dating manager.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …