Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim

Ashley Ortega mainit na tinanggap ng netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASASAKSIHAN  na sa wakas ang paglabas ni Sparkle artist Ashley Ortega bilang si Ponggay sa first-ever figure skating series sa bansa na Hearts On Ice.

Ngayong araw, Biyernes, mapapanood na si Ashley sa kanyang kauna-unahang lead role sa GMA primetime soap. Subaybayan ang journey ni Ponggay para abutin ang nasirang pangarap ng kanyang ina na maging isang figure skating champion. 

Samantala, very thankful si Ashley sa naging mainit na pagtanggap ng viewers sa pilot episode ng Hearts On Ice noong Lunes (March 13). Trending topic din ang serye sa Twitter kaya say ni Ashley, “Sa lahat po ng nagpa-trend ng ‘Hearts On Ice’ kagabi, maraming-maraming salamat po sa inyo. I’m so kilig. The whole cast and production of ‘Hearts On Ice’ is so kilig also.”

Todo-pasalamat din si Ashley sa mga kapwa Kapuso star na nag-congratulate sa kanya at nagpahayag ng suporta para sa show. Ilan lang diyan sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na ibinahagi sa Instagram ang official poster ng Hearts On Ice.

Talaga namang nag-uumapaw ang positive feedback para sa programa. Ayon sa ilang netizens, “Ang masasabi ko lang for #HeartsOnIceWorldPremiere, it’s like watching a film on TV. The skating scenes look so cinematic! Seeing my childhood dream of becoming a figure skater in a TV drama makes me very happy. 

#HeartsOnIceWorldPremiere is a testament to GMA’s commitment to producing world-class series.”

Marami pang dapat abangan sa serye at kabilang na riyan ang magiging papel ni Enzo (Xian Lim) sa buhay ni Ponggay! Kaya tutok lang sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang programa sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …