Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza

Barbie excited madala ang ina sa matatapos nang ipinagagawang bahay 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG-MASAYA si Barbie Forteza dahil sa kanyang ipinatatayong bagong bahay.

“Oo nga po. Naku, nakatutuwa. Kasi noong nagdaang pandemya parang sobrang imposibleng mangyari na makapagpatayo ng bahay.

“Na hanggang sa ngayon na nakikita ko nasa ano na kami, plastering, nasa roofing na, medyo buo na ‘yung itsura niya. So, nakatutuwa lang balikan ‘yung times na medyo challenging talaga siya.

“Medyo stressful and challenging  and maraming naging problema pero ngayon nakatutuwa dahil kahit paano kahit mdeyo mahirap siya nakikita mo na siyang nabubuo.

“Nakikita mo na ‘yung pinaghihirapan mo. So I’m just really excited na madala ang aking family sa aming dream house.

“Actually madala ‘yung mama ko kasi si mama ko ang never pang nakapunta roon sa property namin.”

Ang naturang bahay ba ay para sa sarili niya o regalo rin niya sa pamilya niya?

“Ahhh, I think regalo ‘to sa aming lahat. Sa aming buong pamilya.”

Samantala, dahil sa tagumpay ng tambalang FiLay nina David Licauco (bilang Fidel) at Barbie (bilang Klay) sa Maria Clara At Ibarra, agad nasundan ang kanilang proyekto at ito ay sa Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke na napapanood sa GMA tuwing Linggo (March 12 to April 2), 6:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …