Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim Kim Chiu

Ashley 10 taon ang hinintay para magbida; handang ma-bash ng fans ng KimXi

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAIYAK si Ashley Ortega nang nalaman niyang siya ang bida sa Hearts On Ice ng GMA.

“Siyempre naano rin ako, na parang, ‘Wow, this is my time! Na nakuha ko na ‘to.

“Kaya nga I would always tell people noong nalaman ko na nakuha ko itong show na ‘to, I cried kasi parang ‘yung ten years na iyon it was all worth it.

“Because maliban sa nabigyan ako ng pinakamalaking break, figure skating pa and I don’t think, hindi naman sa pagmamayabang, I don’t think any artist can, you know, can do what I do, as a figure skater.”

Isang professional figure skater si Ashley sa tunay na buhay.

“So talagang siguro at the right time, God gave it to me at the perfect time.”

Handa si Ashley na i-bash at awayin ng mga fan nina Xian Lim at Kim Chiu dahil  ang aktor ang leading man niya.

“Ay naku ready na po ako! Hindi pa nga nagsisimula ‘yung show inaaway  na nila ako.” at natawa si Ashley.

Kilala niya ng personal si Kim.

“I supported their movie, sila ni Xian, nanood ako ng premiere ng movie nila sa Megamall.”

Seloso ang ibang fans ng KimXi.

“May mga natatanggap na akong comments pero deadma na lang.

“Masakit? Marami,” at tumawa si Ashley, “pero hindi naman ako nagpapaapekto sa kanila. Pero siyempre ano lang ako, I kinda feel bad lang kasi siyempre pati si Xian bina-bash nila, hindi lang kasi ako.

“So parang, it’s the both of us, so parang siyempre they’re a couple dapat ‘yung fans nila they support each other so, hindi naman ako more of nalungkot ‘yung pag-atake sa akin.

“‘Yung bashing is part of showbiz, ‘yung mga negative na tao that’s what they do. Pero I feel bad lang na pati si Xian bina-bash kasi siya so parang doon lang.

“Pero ‘yung iba, dine-deadma ko lang, actually bina-block ko sila, eh. Kasi ang hahaba ng mga paragraph nila na bashing lang talaga.

“Nilalagyan nila ng malisya ‘yung pagsasama namin ni Xian sa show.”

Ano ang natatandaan ni Ashley na pamba-bash na medyo ikinaloka niya?     

“Na bakit daw si Xian Lim isang GMA talent lang ang na-pair sa kanya, na parang… laos daw ako, bakit ako raw ‘yung pinartner, mga ganoon.”

Hindi raw sinasagot ni Ashley ang basher.

“And you know, I don’t wanna, baka naman gamitin nila against me, pero ano naman ‘yan, it’s part of it, like  actually ipinakikita ko nga kay Xian,  sabi ko, ‘Deadma mo na lang yan.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Bakit pati ikaw bina-bash?’

“Dalawa kami so iyon, pero deadma na lang, I mean it’s part of it and okay naman kami ni Kim and alam naman namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalagahan.

“We’re just good friends, we’re very professional lang so I don’t think there’s something I should worry about or may kailangan akong itago na dapat affected ako sa sinasabi ng iba,” mariing pahayag pa ni Ashley.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …