Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Gabby Ramos tiniyak patok na chemistry nina Jhassy at John sa Home I Found In You

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAPANAYAM namin ang very accommodating na direktor ng Home I Found In You na si Direk Gabby Ramos at inusisa namin ang kanilang pelikula na ang premiere night ay sa March 25, 6pm, sa Cinema 1 ng Trinoma Mall.

Panimulang esplika ni Direk Gabby, “Ang Home I Found In You ay isang RomCom, isang Romantic Comedy na pinangungunahan nina Jhassy Busran at saka ni John Heindrick.

“Ito po ay kuwento ng isang sikat na sikat na lalaki, si John, na kinakailangang pumunta sa Philippines at nakilala po niya rito si Jhassy. So, parang langit at lupa ang pagitan nila…”

Pagpapatuloy niya, “It’s a typical story, pero ang twist nito is magkakatuluyan ba sila or ano ang kanilang pagdaraanang journey para patunayan na nagmamahalan sila?

“Pero iyong kuwento is all about sa mga kabataan natin ngayon, doon sa mga impulsive kung magmahal na akala nila lahat ay instant, tama ba ito?

“So, iyon ang intention ng pelikula, may magulang at may mga ibang nakapaligid sa kanila na dapat i-consider, na kailangan bang magmadali sa pagmamahal, tama ba na ipaglaban ang pagmamahal kung mali ang panahon?”

Nabanggit din niya ang bumubuo ng cast ng kanilang pelikula.

Aniya, “Tungkol naman sa casting, riot ito. Kasi, father ni Jhassy dito si Soliman Cruz, the multi-awarded actor. Siya ang magbabagsak ng mga pangmalakasang istorya ng lessons para sa mga kabataan.

“Of course ang love team nina Diego ng Bubble Gang at si Orlando Sol ng Masculados ay aabangan dito. So, kilig din ang part na ito and kasama rin dito sina Eunice Langusad si Charming ng Bakekang, from GMA-7 din at si Ginoong Rizal na si Harvey Almoneda,

“Romantc Comedy ito, kaya medyo makulit ang pelikula.”

Dagdag ni Direk Gabby, “Sina Jhassy at John naman ang lead actors dito, ang chemistry nila ang magdadala sa pelikulang ito. Abangan nila iyon, patok ang chemistry nina Jhassy at John sa Home I Found In You at may pakilig na mapapanood sa kanila rito.”

Si Direk Gabby at Jhassy ay unang nagkatrabaho sa short film na Pugon sa Cinemalaya.

         Dito’y nananalo ng ilang acting awards si Jhassy. Kabilang dito ang IFFM (New York) – Jury’s Best of the Best Performance of an Actress, Gully award – Best Child Actress, Ashoka international Film Festival 2021 – Best Child Artist, at WCEJA – Outstanding Lead Actress in Movie.

Nabanggit ni Direk Gabby ang natural na talento ni Jhassy bilang aktres na makikita sa pelikulang HIFIY.

“Mahusay umarte ang bata at ang system niya sa pag-arte ay natural, very raw… pero ‘yung pagiging raw niya ay relatable, hindi ‘yung parang amateur.

“So through time ay na-develop ito and then we have Roommate, ‘yung FB serye namin sa Facebook ko and then itong Home I Found In You.

“Dito sa movie, makikita n’yo na si Jhassy ay magaling ritong magpatawa at magaling din siyang magpaiyak,” sambit ni Direk Gabby.

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …