Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Rendon Labador Coco Martin

Ogie Diaz kay Rendon Labador — hinay-hinay, ‘wag pairalin ang pagiging siga sa pagsasalita

MA at PA
ni Rommel Placente

SA Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila nina Mama Loi at Mrena ang trending video ng motivational speaker na si  Rendor Labador na matapang nitong tinawag ang pansin ni Coco Martin sa isinasagawang taping sa Quiapo ng serye nitong FPJ’s Batang Quiapo.

May hindi raw kasing magandang epekto ito sa mga nagtitinda sa Quiapo. Kumbaga, nakaiistorbo raw ang taping at nawawalan daw ng kita ang mga nagtitinda roon dahil pinapaalis.

Sabi ni Ogie, “’Pag motivational speaker ka, dapat hinay lang sa pagsasalita. Huwag ‘yung parang nananakot ka na parang siga ba. Huwag ‘yung ganoon. Siyempre ‘yung mga ganyan, hindi naman basta pumunta lang sa Quiapo at nag-shooting. Humingi ‘yan ng permit sa barangay, humingi ‘yan ng permit sa city hall.”

Dagdag pa niya, “Hindi ba dapat ang kino-call out mo o ‘yung dapat na sinasabihan mo ‘yung barangay doon na sumasakop sa Quiapo? Hindi ba dapat ang sinasabihan mo ay ‘yung Mayor’s Office? ‘Di ba sila dapat. Kasi hindi naman sila matutuloy doon kung hindi sila pinayagan.”

Bagama’t naiintindihan ni Ogie at pinuri pa nito ang pagmamalasakit ni Rendon sa mga Quiapo vendor, pinuna naman nito ang naging pamamaraan ni Rendon ng pag-call out kay Coco at sa produksiyon ng FPJ’s Batang Quiapo, na aniya ay sumobra.

“Sana ‘yung mahinay lang. Malay mo pakinggan ka ‘pag mahinay ka. Huwag natin pairalin ‘yung pagiging siga.

“Huwag na tayong naninindak, huwag ng nananakot. Ang importante maipahatid mo ‘yung mensahe mo sa maayos at mahinahon at malumanay na paraan,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …