Sunday , December 22 2024

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng 800,000 litro ng industrial fuel oil sa karagatan ng Oriental Mindoro, nararapat na mayroon nang managot – hindi lang pagmumulta o pagbabayad sa malawakang kasiraan na idinulot nito, dapat lang mayroon maipasok sa kahon de rehas.

Nasaan na ang magagaling nating mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at Mataas na Kapulungan, ano na’ng nangyari sa kanila, bakit wala pang nagpapatawag ng imbestigasyon – ipatawag ang may-ari o pamunuan para isalang sa imbestigasyon at panagutin?

Ba’t tahimik ang mga mambabatas natin pero kapag away sa politika ang pag-uusapan ay napakabilis nilang magpatawag ng imbestigasyon. Aba’y halos tatlong linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang paglubog ng barkong MT Princess Empress pero malabo pa ang katarungan para sa mga naapektohan ng perhuwisyong idinulot ng pagtapon ng langis mula sa nabanggit na oil tanker. Hindi lamang laman dagat ang binulabog o naperhuwisyo ng insidente kung hindi kabuhayan ng napakarami nating mga kababayan.

Marami ang nawalan ng kabuhayan …at ang masaklap ay hanggang kailan sila magugutom. Sa ngayon ay walang katiyakan kung kailan makababalik sa karagatan ang libong mangingisda dahil – nakita naman natin na walang tigil ang pag-agos ng langis mula sa barko na patuloy na nagpaparumi sa ating karagatan maging sa iba’t ibang beach resort na dinumihan ng tumapong langis.

Noon pang 28 Pebrero nang lumubog ang barko sa karagatan malapit sa bayan ng Naujan, OM, kasabay ng pagtatapon ng 800,000 litro ng langis. Inuulit ko ha, 800,000 litro – napakarami nito. Sa daan-daang litrong langis na natapon, hindi lang ang karagatan ng Oriental Mindoro ang pinilay ng trahedya dahil umabot na ito sa Palawan at Aklan sa lakas ng pag-agos ng karagatan dulot ng malakas na hangin. Ayon pa nga sa mga eksperto, kinakatakutan na maaaring maapektouhan ang pamosong white beach sa bayan ng  Malay sa lalawigan ng Aklan – ang “Boracay beach.”

Naku po, kapag umabot ito sa Boracay, patay ang turismo sa lugar at malamang na aabot ng maraming linggo o buwan para mapakinabangan ulit ang Boracay.

Sa ngayon, maraming beaches ang napinsala, sarado ang mga resort – nawalan ng trabaho ang marami at higit sa lahat ay marami tayong kababayan ang hindi makapagpalaot para mangisda. Gutom ang nararanasan nila ngayon kahit na sabihin pang may tulong na nanggagaling sa pamahalaan, lokal at nasyonal. Tulong na hanggang lalamunan lang.

Isa pa sa masaklap nito, marami na rin mga kababayan natin ang nagkakasakit, hindi sa kakapusan ng makakain kung hindi dahil sa masangsang na amoy ng langis.

Nasaan na ba ang mga mambabatas natin…saan na ang magagaling na umuupak. Hoy! Ngayon kayo kailangan ng mga libo-libong kababayan natin na naapektohan ng insidenteng ito. Dapat mayroon managot sa insidente. Aksidente man ang nangyari o walang may kagustuhan, dapat lang na may managot.

Totoo naman, walang may kagustuhan sa nangyari pero…

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …