Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco

David Licauco nalula sa biglaang pagsikat

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si David Licauco na ikinagulat niya ang biglang pagsikat dahil sa papel niya bilang si Fidel sa katatapos lamang umereng Maria Clara At Ibarra.

“Well medyo overwhelming siya honestly kasi siyempre hindi naman ako sanay and I would say na medyo introverted ako na tao, so kapag may mga lumalapit medyo… 

“But then siyempre pinasok ko ‘to eh and wala na akong choice but do my best and accept it.

“So ayun at saka siyempre nakatutuwa rin na maraming nakaka-appreciate sa iyo and ‘yung fans ngayon parang mas kilala pa nila ako than my friends so, sobrang naa-appreciate ko talaga sila.”

At dahil maraming bata ang naging instant fans ni David, nalungkot naman ang mga beki dahil hindi na makikita si David sa mga billboard na naka-brief or swimming trunk.

“Hindi na puwede ‘yung hubad-hubad, actually wala na ako sa Bench Body ngayon, but I’m still with Bench, so iyon, I mean whatever works. I mean kung ano ‘yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko.

“Nagkaroon  kasi ako ng fans na bata because of ‘Maria Clara At Ibarra’ so child-friendly na tayo ngayon,”pahayag ni David.

Well, marahil ang pagkakataon na lamang natin na makita si David na nakahubad ay kung papalarin tayong makasabay siya na nagpapa-spa sa ineendoso niyang Blue Water and Day Spa na may branches sa Banawe – Quezon City, Eton Square – Ortigas in Greenhills, San Juan at Estancia Mall sa Pasig City. Soon to open naman ang The Infinity Tower, BGC.

Ilan sa bonggang services ng Blue Water and Day Spa ay ang Deep Tissue Massage, IPL Hair Removal service, Deep Tissue Massage, rejuvenating massages, deep cleansing facials, sculpting at toning treatments, Four Hand Massage, Therapeutic Colonic Massage at Pregnancy Massage.

Samantala, muling mapapanood ang tambalan nina David at Barbie Forteza sa telebisyon at ito ay sa Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady and Luke sa GMA mula March 12 hanggang sa susunod na tatlong araw ng Linggo (March 12hanggang April 2), 6:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …