Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arci Muñoz

Arci Munoz prodyuser na rin

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KABIT Killer ang bagong pelikula ni Arci Muñoz sa NDM Studios ni Direk Njel de Mesa.

Tawang-tawa kami sa mga pinaggagawa nila ng mga kaeksena sa heritage sites sa Krong Seam Reap,  sa Cambodia gaya ng Angkor Wat.

Kabilang ito sa anim na pelikulang nasimulan at natapos ni Direk Njel noong panahon ng pandemya hanggang sa magluwag na ang sitwasyon. Kaya nga nakalarga pa sila sa iba’t ibang bansa sa Asya. Lalo pa at nakaisip si Arci na gumawa rin ng kanyang show. Na naglalaman ng kanyang travels. Pati na pagluluto at marami pa.

Nagkahulugan ng loob sina Direk Njel at Arci. Kaya kuha nila ang loob ng isa’t isa na humantong sa ibang klase ng pagkakaibigan.

Aba eh, nagko-collab na sila. At si Arci nga eh partner na niya sa NDM Studios bilang isang producer.

Natuklasan din ni Direk Njel na saksakan ng pagiging comedian ang aktres. Kaya nga ito ang karakter na sinakyan niya sa naturang pelikula na tila siya na rin ang nagdirehe dahil isa pa pala ‘yun sa kailangan niyang i-tick off from her bucket list. 

Eto pa! Aba eh, mahusay pala talaga ang kamay nito at sa isang munting aklat na ipinamamahagi ng DENR katuwang ang DepEd, nakagawa siya ng mga karakter. Sina Minji at Chimchim na DeLuxe Collector’s Edition. Tungkol sa mga bagay na pwedeng iresiklo. At kung paanong mapangangalagaan ang ating kapaligiran.

Iba si Arci. Kaya naman, sampalataya sa kanyang kakayahan si Direk Njel.

Sa mga susunod nga nilang proyekto, handa si Arci na gumasta para madala ang mga makakasama sa cast ng mga pelikulang gagawin pa nila.

Abangan natin ‘yan!

May lovelife ba si girl? Smile lang siya. At tila nagpapaka-praktikal na muna sa ikot ng buhay niya. Sa dami na rin ng mga gusto niyang gawin Na ikinatutuwa naman ng kanyang management.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …