Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega

Ashley single na uli, pokus muna sa career

RATED R
ni Rommel Gonzales

KOMPIRMADONG hiwalay na sina Ashley Ortega at si Lucena City Mayor Mark Alcala. Anim na buwan na silang break.

Kinonfirm ko naman na I’m single now. Last year pa,” pag-amin ni Ashley.

Mutual ang desisyon nila at hindi sila magkaaway although sinabi sa amin ni Ashley na wala na silang komunikasyon at wala ng pag-asang magkabalikan sila.

Ang focus ko talaga is my career right now. Ibubuhos ko ang lahat ng oras ko, ang effort ko sa show na to.

“Wala pa ring time ‘yung love life,” pahayag pa ni Ashley na bibida bilang si Ponggay sa Hearts On Ice nila ni Xian Lim (bilang si Enzo) sa GMA Telebabad.

Loveless man, masaya si Ashley ngayon.

I’m really happy. I want to stay single. Kasi mas maraming nagagawa ‘pag single ka.

“Priority ko talaga is my career at ito talaga ang biggest break na nakuha ko, ‘di ba?

“So, I think I have to put all my attentions here para hindi mahati ang oras ko sa ibang bagay,” pahayag pa ni Ashley.

Ang Hearts on Ice ang kauna-unahang figure skating drama series sa GMA na kasama sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, at Ina Feleo, sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Eere na ang Hearts On Ice simula March 13 pagkatapos ng Mga Lihim ni Urduja.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …