Friday , November 15 2024
fire dead

2 patay, 2 sugatan sa sunog sa QC

PATAY ang dalawa katao habang dalawang iba pa ang sugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Lophel Dioso, 50, at Ghian Andrew, 16, kapwa residente sa naturang lugar.

Samantala, ang sugatan naman ay kinilalang sina Mike Milallos at Gelin Dioso, 48, may mga paso sa mukha, kamay, balikat, at braso.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 6:58 am nang sumiklab ang sunog sa Kalayaan B 6 Alley St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Umabot ito sa unang alarma bago naideklarang under control dakong 7:06 am at tuluyang naapula pagsapit ng 8:15 am.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sunog upang matukoy ang pinagmulan nito, gayondin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Samantala, 15 kabahayan ang naabo sa sunog na naganap sa Calamba St., Brgy. Talayan QC, bandang 12:20 pm.

Umakyat sa unang alarma ang naturang sunog at bandang 2:01 pm nang ideklarang fire out.

Kasalukuyang nanunuluyan sa covered court sa lugar ang mga nasunugan habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng sunog. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …