Monday , April 14 2025
TVJ  Tito Vic and Joey Willie Revillame

Eat Bulaga papalitan ng Wow, Bulaga; Tanggapin kaya ni Willie na  palitan ang TVJ?

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG  narinig na announcement sa Eat Bulaga noong Sabado ang loyal viewers ng programa kaugnay ng naglalabasang tsismis sa social medi at vlogs.

Eh nitong nakaraang lingo, iba’t ibang tsimis ang kumalat na may kaugnayan sa Bulaga gaya ng umano ay pagtanggal kay Mr. Tony Tuviera bilang Chairman ng TAPE. Inc., producer ng EB, pagpalit sa Tito, Vic and Joey, pagiging title ng show na Wow, Bulaga dahil kukunin si Willie Revillame sa show at iba pa.

Last Saturday, present ang Tito, Vic and Joey at iba pang Dabarkads except kina Maine Mendoza, Maja Salvadorat iba pang guest Dabarkads. Grand finals ng Singing Little Diva kaya festive ang ambience sa studio.

Eh kina TVJ, si Joey ang pinaka-vocal kapag may ganitong sitwasyon sa EB. Basta sa kanyang Instagram post, nagsabi lang siya na siya ay natutuwa at nakatutuwa na sa loob ng apat na dekada ay pinag-uusapan pa rin ang Bulaga. Basta saad pa niya, magkita-kita ang lahat sa 50 years ng Eat Bulaga!

Sabi pa nga ng lahat, “Hanggang may bata, may Eat Bulaga!” Tuloy ang ligaya  tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado na hatid ng Bulaga!

About Jun Nardo

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …