Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashely Aunor Marion Aunor Darryl Yap Imee Marcos

Ashely Aunor, grateful sa pagdating nang maraming blessings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KINAMUSTA namin ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung ano ang pinagkakaabalahan niya lately, aside sa pagiging musical director ng pelikulang ‘Martyr or Murderer’ ng kanyang Ate Marion Aunor.

Pahayag ni Ashley, “Aside from scoring MoM, na-release na po ang next single kong “Changes” with Star Music last Friday, March 3. Also, na-release na rin po ang first single that I produced for Vivoree named “Matapang”. At the same time, tuloy-tuloy po ang releases ng music na isinusulat at ipino-produce namin ni Ate Marion for her label, Wild Dream Records.”

Inusisa rin namin siya kung may plano bang magkaroon ng EP?

Nakangiting sagot ng bunso ni Ms. Lala Aunor, “Yes, I’ll be releasing an album this year pero surprise na po muna yung details sa ngayon, hehehe.”

Ano ang latest collab nila ni Mrion, aside sa MOM?  “Nag-collaborate po kami ni Ate Marion in creating her latest single “Ganito Pala”. We also have been collaborating with the newest artists ng Wild Dream Records para sa kanilang first releases starting with Matt Wilson’s  “Alitaptap”. Kami rin ang nagdirect ng mga music video para sa “Ganito Pala” and “Alitaptap”.

“Naging plano namin na gawing bagong career path na rin ang music video directing,” esplika pa ni Ashley.

Nagpahayag din ng pasasalamat ni Ashley sa mga magagandang blessings na dumarating sa kanya.  

Aniya, “At this point, I feel like God truly has the best plan for my career. In the past, hindi ko na-predict na magkakaroon kami ng opportunity to put up our own music production company, Aunorable Productions,  na magkakapag-score kami ng certified blockbuster na movies, na magkaroon ng sariling record label si Ate Marion and more.

“Sobra-sobra ang blessings ni God palagi and for that I’m forever grateful. Excited to see what else God has in store for me and Ate Marion!” Masayang sambit pa ni Ashley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …