Sunday , November 17 2024
Boy Abunda Liza Soberano

Kuya boy desmayado kay Liza:
YOU CAN REDIRECT YOUR CAREER, PERO SANA YOU CAN JOURNEY IN GRATITUDE

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA lang si Boy Abunda sa maraming na-disappont sa mga hinaing at reklamo ni Liza Soberano na inilabas nito sa kanyang YouTube vlog tungkol sa nangyari sa kanyang career noong nasa poder pa siya ng Star Magic at ni Ogie Diaz.

Noong Lunes, sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, rito naglabas ng pagkadrsmaya si Kuya Boy kay Liza.

Sabi ni Kuya Boy, “Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako roon sa vlog, I’m not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog.

“Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager. Gusto kong magsalita bilang manager.

“May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?

“Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she’s doing,” ang diretsahang pahayag ni Tito Boy.

Patuloy pa niya, “Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya roon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ang nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.’

“Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw ‘yon.

“For the last 13 years, ‘yung hinangaan namin, hindi si Liza ‘yun. Because you were saying in your vlog na, I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don’t know the intent, I don’t know where she wants go.

“Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga manager,” mariin pang sabi ng King of Talk.

Dagdag pa ni Kuya Boy, nagsasalita siya hindi para hiyain o batikusin si Liza, kundi para ipaalala sa dalaga kung paano at saan siya nagsimula at kung bakit nagtagumpay siya sa kanyang career.

“You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude.

“Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa mga taong dumaan sa buhay mo at nakasama mo.

“Because you are where you are today, dahil sa mga taong tumulong sa iyo.

“Liza, lahat ng nangyari sa iyo, nothing is ever wasted. Lahat ‘yan, magiging point of references mo. Do not disregard your past. Do not disregard the 13 years na minahal ka ng fans mo.

“Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” sabi pa ng TV host.

Mensahe pa niya sa aktres, “You know, Liza, I love her. I love you, if you’re watching this, proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude.

“You know what you should do, say thank you, because gratitude opens your heart and your life to more blessings,” payo pa ni Kuya Boy sa dating alaga ni Ogie.

About Rommel Placente

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …