Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
 Kate Valdez Faith Da Silva

Faith ipinagtanggol ni Kate: Jolly at never siyang nagsungit

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALANG personalan, trabaho lang.”

‘Yan ang sapat na paliwanag ni Kate Valdez sa mga bumabatikos sa Unica Hija kontrabida niyang si Faith Da Silva.

Laging inaapi ng character ni Faith na si Carnation ang main character ni Kate na si Hope, na adoptive sibling ni Carnation.

Sa isang panayam kay Kate para sa Kapuso Insider, ipinagtanggol niya ang kapwa niya Sparkle artist at kaibigang si Faith.

Aniya, “Characters namin ‘yun which is for the audience and for the story at sa characters na pino-portray namin. ‘Yung pagiging kontrabida ni Faith, she’s portraying Carnation na laging inaapi si Hope. Sobrang layo kay Faith.”

Sa personal, jolly daw ang personalidad ni Faith na makikita sa pagho-host niya sa variety show na TiktoClock.

“Kung nakikita niyo lang sa pagho-host n’ya sa ‘TiktoClock,’ ‘di ba grabe ‘yung pagiging makulit niya? Ang jolly niyang person, iyon si Faith, ‘yun ‘yung totoong Faith,” dagdag pa niya.

“Kahit minsan ‘pag nagba-blocking kami or nagri-reading kami kahit na nagsusungit s’ya, minsan ‘di namin maiwasang matawa kasi mayroon s’yang natural side ng pagiging comedian. 

“Kahit ako minsan, kailangan ko talagang mag-effort na i-feel na masungit s’ya dahil I know her and I know sobrang funny s’ya.

“Sa totoo lang, isa po sa challenge sa ‘kin na i-convince ‘yung sarili ko na kontrabida s’ya.”

Subaybayan ang huling tatlong episode ng Unica Hija, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestream ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …