Saturday , January 11 2025
Martyr or Murderer

Martyr or Murderer, showing na ngayon sa 250 theaters!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na ngayong Wednesday (March 1), ang pelikulangMartyr or Murderer na pinamahalaan ni direk Darryl Yap.Mapapanood ito sa 250 theaters, nationwide.

Gaya ng part-1 na MIM (Maid In Malacanang), marami na rin ang nag-aabang na mga Pinoy kung kailan ang showing ng pelikula sa abroad.

Sa ginanap na red carpet premiere night ng Martyr or Murderer sa SM The Block Cinema 1, 2 at 3, nagpasalamat sina Senator Imee Marcos at Direk Darryl sa mga nagpunta sa naturang event na hatid ng  Vincentiments at Viva Films.

Pahayag ni Direk Darryl, “Hi everybody, thank you for allotting your time to finally see the movie. It’s a very difficult movie to make and it’s a very fun movie to promote. So, along with all the hopes and of course ang aming dreams with this movie, this is just the second, help us make this succesful so we can do the third.

“On behalf of my staff and the whole team – MOM, maraming-maraming salamat po.”

Wika naman ni Senator Imee, “Magandang gabi po sa inyong lahat, ako po ay nerbiyos na nerbiyos dahil ito iyong karugtong ng unang pelikula na katuwaan lamang-Maid In Malacanang. Subalit tinangkilik ninyo at inakap ninyo ang mga karakter. Tinanong sa hulihan ano ang nangyari pagkatapos ninyong makaalis ng Malacanang?

“Eto na yung karugtong ng kuwento, sana ay magustuhan ninyo ang pelikula. Tunay na nag-effort ang lahat ng casts at ‘di hamak na mas maganda. So, enjoy the movie and please invite everyone, March 1 it wll be opened in theaters natonwide, maraming salamat.”

Tama nga ang sinabi ni Sen. Imee noon, na kung nagustuhan ninyo ang MIM ay 20 times better itong MOM.

Anyway, lutang pa rin ang husay ng mga pangunahing karakter na nagsipagganap dito tulad nina Ruffa Gutierrez as Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang batang Bongbong Marcos, Ella Cruz as Irene Marcos, pati na ang maids na sina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.

Pero angat sa lahat ang matinding performance na ipinakita nina Cristine Reyes at Cesar Montano.

Marami nga ang pinaiyak dito ni Cristine lalo na sa death scene ni Cesar bilang dating president Ferdinand Marcos Sr., na talagang mararamdaman ng manonood ang acting ng isang anak na nawalan ng ama, nang siya lang ang wala sa tabu nito dahil nasa Morocco noon si Sen. Imee.

May mga nagsasabi nga na posibleng magkaroon ng acting award dito si Cristine dahil kinarir niyang muli ang pagganap sa katauhan ni Sen Imee.

Markado naman dito si Yorme Isko Moreno na gumanap bilang Sen. Ninoy Aquino.

Dapat abangan ng movioegers ang mga pasabog na mapapanood sa pelikula, partikular ang mga may kaugnayan sa mga Marcos at Aquino.

Isa sa highlight ng pelikula ang confrontation scene nina Macoy (Cesar) at Ninoy (Isko) na bukod sa puno ng tensiyon, maraming revelation na makikita rito hinggil sa mga naging kaganapan noon na nagkaroon ng malaking impact sa kasaysayan ng ating bansa.

Sa unang presscon ng MOM ay nabanggit na ang eksena ng pagkikita nina Ninoy at Imelda noong 1983 sa New York ay kinunan ng more or less tatlong oras.

Ayon nga kay Direk Darrly, “You know, it’s really one of the highlights, iyong pag-uusap nina Imelda at Ninoy in New York, 1983 before the assassination,” sambit pa ng napaka-kontrobersiyal na direktor.

Effective ang pagpapakita rito ng actuall footages ng mga main characters  na may mahalagang papel sa takbo ng pelikula.

Maraming mahahalagang revelations sa pelikula na malamang ay ngayon lang malalaman ng maraming Pinoy.

Sabi nga ni Direk Darryl sa kanyang post sa Facebook noong isang araw na kasama ang larawan ng Pamilya Marcos:

“Ang Larawang ito ay ang huling litratong kuha ng First Family sa hardin ng Malacañang Palace, bago maganap ang EDSA.

“Ito ang alam ng Publiko, ang hindi natin alam noon ay malalaman na natin sa Unang araw ng Marso.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Santos

Gerald ‘maghuhubad’ ng katauhan sa Courage concert

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO magtapos ang 2023 ay nakahabol pa kami ng tsikahan with …

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …