RATED R
ni Rommel Gonzales
AMINADO kami, nagulat kami sa acting na ipinakita ni JK Labajo sa Ako Si Ninoy.
Given na ‘yung galing ni JK sa pagkanta, sa pagigigng mang-aawit naman talaga siya nakilala. Pero first time, as in first time namin siyang napanood na umaarte sa big screen, and nakai-impress siya.
Matino niyang naitawid ang papel niya bilang dating Senador Ninoy Aquino, lalong-lalo na ang eksena niya sa kulungan na damang-dama ang hinagpis niya sa nalamang sinapit ng misis niyang si Corazon Aquino nang dalawin siya nito sa piitan.
At hindi madali ‘yung habang umaarte ang isang artista ay kumakanta pa, sa totoo lang.
At noon pa kami naniniwala na ang isang singer, mahusay ding artista, tulad nina Nora Aunor, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Christian Bautista, Mark Bautista at marami pang iba.
Palabas pa rin sa mga sinehan ang Ako Si Ninoy na worth it na panoorin ng publiko dahil matino ang pelikula.
Written and directed by Atty. Vince Tañada, mula ito sa PhilStagers Films at tampok din sina Cassy Legapsi, Nicole Laurel, JM Yusores, Lovely Rivero, Pinky Amador, John Gabriel, Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Joaquin Domagoso at marami pang iba.