RATED R
ni Rommel Gonzales
BILANG matagumpay na aktres at businesswoman/endorser, tinanong namin si Andrea Brillantes kung ano ang maipapayo niya sa mga kabataan na nangangarap maging successful din balang araw?
“Alam ko cliché siya pero sobrang totoo po kasi siya, never give up po talaga.
“Ang daming stages sa life ko na talagang naisip ko na, ‘Itigil ko na kaya ‘to, parang wala naman akong mararating?’
“Or madami akong pagsubok na parang ang layo-layo talaga ng pangarap ko sa nangyayari ngayon or, ‘Bakit eto ‘yung nangyayari?’
“Ang dami-dami kong mga tanong, pero lagi kasi akong umuuwi sa, ‘Bakit ako nagsimula? Bakit ako nandito?’
“Titingnan ko ‘yung family ko, aalalahanin ko ‘yung pangarap ko noong bata pa lang ako, at kahit mahirap, pinipili ko pa rin pong bumangon, pinipili ko ring lumaban, at maniwala lang po talaga sa timing ni Lord.
“Kasi sa totoo lang po matagal na rin po talaga akong artista, nag-start po ako seven years old, more than a decade na po ako rito, pero kailan lang po talaga ako nagkaroon ng pangalan, so ang dami talagang moments sa life ko na parang baka hindi naman talaga ito para sa akin, kasi hindi lang din naman ‘yung paghihirap sa trabaho, pati na rin ‘yung nakukuha kong criticism sa ibang tao, ‘yung mga bashing, ganyan, kaya mahirap po talaga.
“Pero iyon lang po talaga ma-a-advice ko, is huwag lang po mag-give up sa pangarap nila, maniwala ka sa sarili mo, maniwala ka sa Diyos, at mahalin mo ‘yung trabaho mo.
“Kasi sa totoo lang, kung hindi ko po talaga mahal ‘yung trabaho ko, siguro hindi talaga ako nagtagal. Kailangan mong maghanap ng bagay na ma-e-enjoy mo at mamahalin mo ng buong-buo para mag-last sa inyo,”makabuluhang pahayag ng Kapamilya actress.
Speaking or endorsements, muling pumirma si Andrea, sa pangalawang taon, ng kontrata bilang celebrity endorser ng napakasarap na TAPAWARMA.
Sinabi ng may-ari ng Tapawarma na si John Oliva (na may-ari rin ng Salt and Light Beauty Spa Salon, Chef Senyor Juan Frozen Meat, Senyor Juan Suma Latik Cafe at marami pang iba) na kaya niya kinuha si Andrea bilang endorser (for the second year) ay dahil pareho sila na ang lahat ng ginarawang hirap, sakripisyo, at pagsisipag ay para sa pamilya.
“Actually, wala po akong masyadong masabi kundi thank you,” reaksiyon ni Andrea. “At saka alam mo proud po ako sa mga katulad ko na ginagawa lahat para sa pamilya nila, kaya congrats po talaga Sir John dahil naging successful po ‘yung inyong brand at sa mga katulad ko, ipagpatuloy lang natin at laban lang, alam niyo ‘yun, para naman ito sa mga taong mahal natin.”