ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PORMAL na binuksan ang pagbabalik ng The Manila Film Festival. Ito’y sa panguguna nina Manila Mayor Honey Lacuna. Vice mayor Yul Servo, at ng kilalang movie producer na si Ms. Edith Fider.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Artcore Productions Inc.. Naganap ang signing ng Memorandum of Agreement last February 10 sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall.
Nagsimula ang idea na ibalik muli ang TMFF kay VM Yul at si Ms. Edith Fider.
Ipinahayag ni VM Yul na layunin nilang makatulong sa industriya ng showbiz.
Wika ng aktor/public servant, “Kasi ang The Manila Film Festival siyudad yun e, isa ako sa parte ng mga officers ng siyudad, na nagkataon e artista, tapos may artista tayo sa city council, si Lou Veloso na very supportive, tapos yung boss namin siyempre si Yorme Isko, artista rin, very supportive rin, puwede nating gawin, puwede nating buhayin bilang isang artista, hindi lang basta buhayin… makatulong sa industriya.
“Kasi nakakalungkot talaga, noong nakaraan kapag nanonood ka ng sine ay kakanti lang talaga ang laman ng sinehan. Dito sa Maynila, bilang gobyerno, isa sa mga magandang sumuporta ang gobyerno sa industriya natin.”
Present sa naturang okasyon ang mga direktor na magsisilbing mentors na sina Al Tantay at Jay Altarejos.
Iba na ang requirement ng nasabing festival dahil layon nilang buksan ang pintuan sa mga estudyante na magiging next generation filmmakers.
Bukas ito sa senior high school at college students. Walong pelikula ang pipiliin sa lahat ng magpapadala ng kanilang entry. Hihingi rin ng tulong ang Komite ng ng TMFF sa Department of Education at Commission on Higher Education para suportahan ang proyektong ito na layuning ibalik ang sigla ng pelikula matapos ang pinagdaanan ng movie industry. Pero pagbibigay diin ng bumubuo ng nasabing festival na hindi lamang ito bukas para sa mga taga-Maynila kundi sa buong bansa.
Sa speech ni Mayor Honey, binahagi niya ang kasaysayan ng Maynila na aniya’y dito sa lungsod nagsimula ang Metro Manila Film Festival.
“Way back 1966, yung amin pong alkalde na si Mayor Antonio Villegas, sinimulan po niya yung Manila Tagalog Film Festival kaya ‘di po ba sa MMFF may special award na Gat Antonio Villegas award? Kasi rito po nagsimula iyan.”
Tumagal daw ito hanggang 1973 at natigil. na-revive siya ng 1975 pero hindi na lamang Maynila pero naging nationwide na kaya tinawag na Metropolitan Film Festival at napalitan noong 1977 at naging Metro Manila Film Festival. Pero sa Maynila ayon pa sa Mayora ang kanilang mga naging alcalde ay ibinalik ang Manila Film Festival na sinimulan nong 1992 hanggang 2003.
Pahayag pa ni Mayor Honey, “Natigil po siya… fast forward tayo noong panahon ng aming dating Mayor Isko Moreno ay pinilit namin na sa kasagsagan ng pandemya ay buhayin ang turismo dito sa Maynila. Hindi lamang turismo na nakatuon sa magagandang lugar sa Maynila kundi sa lahat ng bagay. Pinaganda namin ang mga historical place rito, mga lugar na hindi naman datinh pinunpuntahan.”
Ayon pa sa mayora, noong nakaraang taon ay niyaya siya ng kanyang asawa na manood ng sine. Kakabukas lamang daw ng mga sinehan at ang pinanood daw nila ay Tagalog movie.
Aniya, “Kaya lang nakakalungkot dahil sa pagpasok namin sa isang kilala sinehan, sasampu lang kami. Nakakalungkot dahil tila ba namamatay na ang film industry kaya ngayon po dahil ako ay napapaligiran ng mga kasamahan sa konseho, ang aking kasamahan na si Vice Mayor Yul Servo Nieto na napaka-passionate po sa kanyang sinimulan na craft na film industry and of course si Konsehal Lou Veloso, sana mabuhay muli ang film industry sa pag-launch ng Manila Film Festival.”
Nagandahan si Mayora sa idea na ipinrisinta sa kanya na hindi lamang mainstream o kilalang artista, kundi sisimulan sa mga mag-aaral hindi lamang sa lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa.
Ang TMFF ay bukas sa qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.
Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa [email protected]
Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.