Sunday , February 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darryl Yap Joel Lamangan Cherry Pie Picache

Direk Darryl Yap tinawag na sinungaling sina Direk Joel at Cherry Pie

RATED R
ni Rommel Gonzales

TILA bombang sumabog si direk Darryl Yap sa mediacon ng Martyr Or Murderer nitong Lunes ng gabi, February 20.

Nag-ugat ito sa paghingi ng members ng media kay Darryl ng reaksiyon tungkol sa mga naging pahayag nina direk Joel Lamangan at Cherry Pie Picache tungkol sa kanya.

Sa mediacon ng Oras de Peligro noong February 12, sinabi ni direk Joel na ang pelikula niyang magbubukas sa mga sinehan sa March 1 ang tinapatan ng Martyr or Murderer.

Ibig sabihin, napaka-importante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan at takot sila,” pahayag ni direk Joel.

Buong tapang na sinagot ito ni direk Darryl, aniya, “Hindi niyo ako puwedeng sipa-sipain na lang.

“Direk Joel, kaoopera mo lang noong December. Paulit-ulit ko ‘yang sinasabi sa sarili ko para hindi humantong sa ganito, but you just don’t stop.

“Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa ‘yo. Ikaw ang tumapat sa amin.

“Kung hindi matanggap ng ego mo na isang gaya ko lang ang tatapatan mo, problema mo na ‘yon.”

Sa naturang mediacon din ng Oras De Peligro, buong ningning na deklarasyon ni Cherry Pie ang, “May konsensiya pa ba siya?” nang tanungin kung papayag siyang maging direktor si Darryl sa isang pelikula.

Siyempre pa, hindi ito pinalampas ni direk Darryl.

Kung ako po sa inyo Miss Cherry Pie… nanood ako kanina ng ‘Tanging Yaman’ kasi gustong-gusto ko siya roon para lang hindi ko siya pagsalitaan nang masakit.

“Ang kaibahan lang sa ‘Tanging Yaman,’ hindi siya iniwan ni Edu roon. Asawa kasi siya ni Edu roon,” may kahulugang pagtukoy ni Darryl kay Edu Manzano na karelasyon ngayon ng aktres.

Sa patuloy na litanya ni Darryl ay buong tapang nitong tinawag na mga sinungaling sina direk Joel at Cherry Pie.

You know direk Joel, Miss Cherry Pie, ‘yung natitira niyong panahon sa mundong ito, huwag niyong gamitin para magsinungaling.

“Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon.

“Stop this jurassic form of promotion. That’s the only and the last statement that I will deliver.

“Don’t you dare malign my bosses, all the money that was produced here were all from hard work.

“Viva is not like that. Senator Imee is not like that.”

Si Senator Imee Marcos ang executive producer ng Martyr or Murderer.

This is my ultimate statement and I’m not gonna repeat it.

“Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. This is the day of information technology. Lahat ng sasabihin ninyo, may record.

“For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, hindi kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling!

“Kung nagsisinungaling kayo sa dahilan ng paggawa niyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang naranasan niyo noong Martial Law? Now, I am doubting them,” tahasang sinabi pa ni Darryl.

Lalo tuloy naging kaabang-abang ang salpukan ng dalawang pelikula sa mga sinehan sa March 1.

Samantala, ang mga artistang tampok sa Martyr Or Murderer ay sina Cesar Montano bilang Ferdinand MarcosRuffa Gutierrez bilang Imelda MarcosCristine Reyes bilang Imee MarcosDiego Loyzaga bilang Bongbong MarcosElla Cruz as Irene MarcosMarco Gumabao as young Bongbong, Isko Moreno as Ninoy AquinoElizabeth Oropesa as Manang LucyKyle Velino as Greggy AranetaBeverly Salviejo as Yaya BidayFranki Russell as Claudia BermudezBilly Jake Cortez as Mel MathayCindy Miranda as the young Imelda Marcos, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Nijel de Mesa Jan Christine NDM Plus Not for Everyone Gala

NDM Plus naglunsad ng “Not for Everyone Gala” na kakaiba at puno ng artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG “NOT FOR EVERYONE GALA” ng NDM Plus ay hindi …

Puregold Pusong Panalo Program

Mas makabuluhang layunin para sa retailtainment ng Puregold: popondohan mga ‘naiiwang’ paaralan

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club …

JMRTN Retrospect

Music video ng 2 kanta ni JMRTN ng Retrospect inilunsad

MATABILni John Fontanilla EKSAKTONG Araw ng mga Puso, February 14, 2026 naganap ang matagumpay na …

Sexbomb Get Get Aw sa UAE

Sexbomb concert ticket sa Dubai at Abu Dhabi nagkakaubusan  

MATABILni John Fontanilla SELLING like hotcakes daw ang ticket sa nalalapit na concert ng Sexbomb sa Dubai …

Rod Navarro Jr Coco Martin

Hugot ng galit ni Rod Jr kay Coco saan nanggagaling?

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST si Rod Navarro Jr. sa kanyang Facebook account na inakusahan niya si Coco Martin  ng …