Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi Alden Richards

Cassy wish makatambal si Alden — Matagal ko na kasi siyang crush

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG tatanungin si Cassy Legaspi ng Sparkle at GMA kung sino ang nais niyang maging leading man sa susunod niyang proyekto, tahasan nitong sinabi si Alden Richards.

Number one answer ko po, si Kuya Alden,” at tumawa na tila kinikilig sa pagbanggit sa pangalan ng Pambansang Bae.

Forever, forever answer ko is si Kuya Alden. So Kuya Alden, if you’re watching now…”

Bakit si Alden?

Well first of all he’s a very good actor and he’s Alden… he’s Alden!

“And ayun po, I’ve always had, I’ve had a crush on him since before,” pag-amin ni Cassy.

Alam ba ni Alden may crush si Cassy sa kanya?

Hindi po ako sure,” ang patuloy na tumatawang sagot ni Cassy, “sana po hindi!”

Ngayon malalaman na ni Alden, “Oh no!

“But yeah ayun, so baka po, eto po ‘yung idea na isini-share ko, wow! Baka naman,” ang kuwelang panawagan pa ni Cassy na pagtambalin sila ni Alden ng GMA.

Sa All-Out Sundays pa lamang nakakatrabaho ni Cassy si Alden pero sa isang serye o acting project ay never pa.

Hello GMA, kaway-kaway,” kuwelang emote pa ni Cassy.

Samantala, gaganap si Cassy bilang si Ingrid na estudyanteng biktima ng sexual harrasment sa musical film na Ako Si Ninoy na palabas na ngayon sa mga sinehan.

And yes, umawit si Cassy sa pelikula at naitawid naman niya.

Sa panulat at direksiyon ni Vince Tañada at mula sa PhilStagers Films, bida sa Ako Si Ninoy si JK Labajo bilang si Benigno “Ninoy” Aquino at kasama rin sa cast sina Joaquin Domagoso bilang si Yosef, Sarah Holmes bilang Cory AquinoJohnrey Rivas bilang Noli, Marlo Mortel bilang si Quentin, Bodjie Pascua bilang si Nanding, Nicole Asensio na napakahusay bilang Miss Nuñez at marami pang iba. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …