Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix Johnny Manahan Alden Richards

Mr M tiniyak Miguel Tanfelix magmamana ng trono ni Alden Richards

MA at PA
ni Rommel Placente

HANGA pala si Johnny Manahan kay Miguel Tanfelix. Ikinompara pa nga ng una ang huli kay Alden Richards.

Feeling ni Mr. M, si Miguel na ang susunod sa mga yapak ni Alden bilang isa sa mga itinuturing na hari ng Kapuso Network dahil sa ipinakikita nitong galing at propesyonalismo sa trabaho.

Sa isang video na in-upload sa YouTube channel ng Sparkle, ang talent management ark ng GMA Network na nagse-celebrate ng kanilang unang anibersaryo, mapapanood ang pag-uusap nina Alden at Mr. M..

Sa nasabing video, nagbigay ng advice at ilang tips si Mr. M sa mga artista ng GMA artists at binanggit nga niya ang pangalan ni Miguel.

Ayon sa Sparkle consultant, “I like him. Miguel, I think, will make a very fine actor. Experienced ‘yan so as he grows, as he works, magiging Alden Richards din ‘yan.”

Sabi pa ni Mr. M, parehong nagsimula nang maaga sa mundo ng showbiz ang dalawang aktor at unti-unting gumawa ng sarili nilang pangalan sa entertainment industry.

In fairness naman kay Miguel, bukod sa gwapo na ay talented pa. Talagang malayo pa ang mararating niya sa showbiz. At naniniwala kami sa sinabi ni Mr. M, na posibleng maging isang Alden Richards din si Miguel, na maaabot din nito ang kasikatang tinatamasa ngayon ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …