Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali

Bianca INC na, iginiit walang kinalaman ang BF na si Ruru

MA at PA
ni Rommel Placente

MIYEMBRO na ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Bianca Umali. Noon pang December 23, 2020, binautismuhan si Bianca sa Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Las Piñas.

Pero, ayon kay Bianca, sa panayam sa kanya sa Updated with Nelson Canlas, hindi siya nagpa-convert sa INC dahil sa boyfriend na si Ruru Madrid na isang INC, kundi dahil sa maraming personal na kadahilanan.

Faithful members ng INC si Ruru at ang kanyang pamilya. Hindi tumatanggap ng showbiz commitments ang aktor tuwing Huwebes at Linggo dahil ito ang mga araw ng pagsamba nila ng kanyang pamilya sa INC.

Sabi ni Bianca, “First of all, yes, isa na po akong ganap na Iglesia Ni Cristo.

“But I don’t think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love.

“Kasi ‘yung pagiging Iglesia ko, ‘yung pag-convert ko is something that is very personal to me.

It is a personal choice and not a choice I made just because in love ako sa isang tao.

“And when I discovered my faith, is where Ruru comes in, hindi dahil sa kanya kaya ako nag-convert pero naging instrumento siya para maipakilala sa akin ‘yung religion at maipakita sa akin ‘yung daan kung saan tinawag ako para mapalapit ako sa Diyos,”paliwanag pa ng girlfriend ni Ruru

Pero kahit anong paliwanag ni Bianca, siguradong marami pa rin ang magsasabing may kinalalaman talaga si Ruru sa ginawa niyang pagsanib sa INC.

Pero sana ay irespeto na lang natin ang naging desisyon ni Bianca, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …