Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nika Madrid Andrew Gan Greg Colasito

Nika Madrid masaya sa AQ Prime, isa sa tampok sa Upuan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Nika Madrid sa tampok sa pelikulang Upuan na mapapanood na sa Feb. 28 sa AQ Prime streaming app . Sina Andrew Gan at Krista Miller ang co-stars niya rito. 

Directed by Greg Colasito, kasama sa movie sina Rob Sy, Boogie Canare, Shane Vasquez, Joyce Javier, at Juliana Victoria, with the special participation of Atty. Aldwin Alegre.  

Nabanggit ni Nika ang role niya sa kanilang GL o Girl’s Love movie.

Pahayag ng aktres, “Ang role ko po sa Upuan ay isang nurse na nagmahal sa isang babae. Ang takbo ng story kasi nito is tungkol sa isang magkarelasyon na dalawang babaeng nagmamahalan, pero pinaglayo ng magulang at ipinakasal sa lalaki iyong isa.”

First time niya bang nakipag-love scene sa kapwa babae?

Tugon ni Nika, “Yes po first time ko makipag love scene sa isang babae sa movie at makipag-kissing scene rin po. Kaya medyo nahirapan ako, lalo na sa love scene dahil hindi ko alam kung paano makipag-love scene sa isang babae. Hehehe.”

Ano ang lasa ng lips ni Krista? “Ang lasa ng lips ni Krista ay matamis. Hahaha!” Nakatawang bulalas ng aktes.

Anong klase ka-work sina Krista at Andrew? “Si Krista at si Andrew po ay mababait at sila ay supportive po, lalo na iyong medyo nahihirapan ako sa mga eksena,” nakangiting sambit niya.

How about si direk Greg? “Super supportive po si Direk at hindi po siya pressure, kumbaga tutulungan ka niya talaga at iga-iguide lalo na medyo nahirapan ako sa pag-iyak… Talagang ipinakita ni Direk na may tiwala siya sa akin, na kaya ko at pinapalakas niya ang loob ko.”

Ipinahayag din ni Nika na happy siya sa takbo ng kanyang career. “Yeah, happy naman po ako sa career ko ngayon, sa pag-come-back sa showbiz dahil sa AQ Prime, na binigyan ako ulit ng second chance makabalik sa showbiz at sana po tuloy tuloy na po ito.”

Ayon pa kay Nika, wish niyang mabigyan pa ng magagandang projects na hindi niya kailangang maghubad o magpa-sexy.

“Ang wish ko pa sa career ko, sana nga po ay magtuloy-tuloy at mabigyan pa ako ng magandang break sa showbiz. Pati na magagandang role like wholesome, iyong hindi puro lang pagse-sexy. At pinapangarap ko rin na maging best actress, someday. Na alam kong mahirap, pero malay natin hindi ba? Kung sisipagan at magtitiyaga lang talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …