Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeri Violago

Jeri Violago, kaabang-abang ang pagsabak sa music scene 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY-K ang newbie singer na si Jeri Violago na mabigyan ng chance na maging talent ng Star Music.

Guwapings ang newcomer na ito na nakilala noon bilang si Jericho Violago at malaki ang pagkakahawig niya kay Matteo Guidicelli.

Hindi lang magaling na singer ang binata, si Jeri ay marunong din mag-compose ng kanta. Kaya ang kontratang pinirmahan niya sa Star Music ay as a singer, composer, at co-producer din.

Napanood namin si Jeri sa event ng Holy Family Parish sa Kamias, Quezon City, na kumanta siya habang hinaharana ang mga nanalong magagandang dilag. Dito’y isa-isang rumampa sa loob ng church ang mga napiling My Fair Lady. Ang naturang event ay bahagi ng fiesta celebration ng nasabing barangay.

Sa nasabing event ay naibalita ni Jeri na seven songs na ang na-compose niya at dito posibleng manggaling ang kanyang debut single.

Pahayag ni Jeric, “They are still choosing what song ang magiging first track na iri-release. It should be a song na talagang babagay sa akin at makaka-relate iyong mga ka-age ko.”

Samantala, bukod sa pagkanta, game rin sumabak sa pag-arte si Jeri kung mabibigyan ng chance. Kung sakali, swak na swak siya bilang younger brother ni Matteo . 

Pero sa ngayon, sa kanyang singing career muna ang focus ni Jeri at dapat abangan ang kanyang magiging journey sa music scene.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …