ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG award winning indie actor na si Tonz Are ay sumabak na rin sa pagiging direktor sa pamamagitan ng Ghost Two Kita, The Series. Pero hindi pala ito talaga ang first directorial job niya.
“First directorial ko po sa series, pero sa film ay mayroon na akong mga nagawa like Speranza, Haligi and Pasan na inilaban sa film festivals, local and abroad.”
Bakit niya naisipang sumabak na rin bilang direktor? Esplika ni Tonz, “Naisipan kong magdirek na rin kasi may sarili na akong production, iyong Daydreamer Entertainment Production at may mga hawak na rin kasi akong artista, iyong mga Daydreamer babies and gusto kong tumulong sa mga aspiring actors.”
Ang serye ay mula sa KKL Production in collaboration with Daydreamer Entertainment Production. Ang all in one BL comedy-romance series na ito ay nagsimula na last February 14, 2023.
Tampok dito sina Prînce Rae Dantes as Luke, Jay Son as Jordan, Robic Itang Villanueva as Kate, Nicolle Ulang as Rowena, Sandro Aquino as James, Mar soriano as Madam SP and Mang Kalvo, Gianne Vincent Diezmo as George, Jhoana Duran as Jhoana, Zum Watson as MayMay, Mark Hilario as Jennie, Yumyum Abaygar as Myca, Zyrene Tan as Rica, Arnold Pabona Castro as Mark, Jay Rico as Jhaycee, Edrain Yee Celino as Brix, at Gabriel Fragada as Gabby.
Kasama ni Tonz dito bilang direktor si March Ray, isinulat ni Elsa Droga, produce ito nina Feriesa Maniaol and Yuugi Carasco.
“Ang istorya ng Ghost Two Kita. about ito sa isang boss na mayaman na na-in-love sa kanya ang character ni Jordan, na isang ghost. Ang serye ay isang romantic-comedy. Bale, si Luke Jimenez iyong boss na mayaman, tapos si Luke lang ang nakakakita sa ghost,” esplika ni Tonz sa takbo ng istorya ng seryeng ito.
“Mapapanood ito sa Youtube and Facebook. Hanggang episode 8 siya, so bale every week ay may aabangan po sila na talagang nakakakilig.”