Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julio Diaz Coco Martin Batang Quiapo

Julio sobra-sobra ang pasalamat kay Coco, papasok din sa Batang Quiapo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TRENDING ang FPJ’s Batang Quiapo  lahat ng platforms nang pumaimbulog ito sa ere, isang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng Mga Puso.

Naikuwento ng bidang si Coco Martin, na hindi lang sa Quiapo matutunghayan ang istorya ng buhay ni Tanggol. Mayroon din itong mga eksena sa Tondo. At mga karatig-pook ng Quiapo. At  aabot pa sa ibang mga lalawigan.

Nabanggit ni Coco na sesentro rin ang isang istorya sa lugar ng ating nga kapatid na Muslim sa Quiapo.

At dito papasok ang karakter ni Julio Diaz.

Na masayang ibinalita sa amin ang  napipinto niyang pagpasok sa serye.

Akala ko nakalimutan na ako ni Coco. Suwerte ang mga naunang na-casting. Sobrang tuwa ako nung maalala ako ni Coco sa role ng Muslim ng Quiapo. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Coco. Siya ang may final say sa casting.

“At ngayong may role ako sa ‘Batang Quiapo,’ may rason na ako para makakuha ng kotse para sa inaanak mong si Kari. Wigo ng Toyota ang bagay sa kanya. Kasi maliit. Bagay sa kanya ‘yun kasi madaling i-park.”

Nang magsimula at magbukas ang eksena ng FPJs Ang Probinsyano, tumatak ang eksena ni Julio na nakikipag-buntalan kay Coco sa ibabaw ng umaandar na tren. Hindi nakalimutan ang nasabing eksena.

At ngayon, muling bibigyan ng magandang eksena ni Coco si Julio sa nasabing teleserye.

At may maganda ring pupuntahan ang muling pagsalang ni Julio sa Batang Quiapo. Para sa minamahal na anak.

Babawi siya nang todo! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …