COOL JOE!
ni Joe Barrameda
PAPALAPIT na ang kinasasabikan ng marami. Ito ay ang pagpapalabas ng Martyr Or Muderer, ikalawang yugto ng Maid In Malacanang.
Super excited ang cast at very proud sila na mapabilang dito. Si Ruffa Gutierrez ay laging nasa isip si Madam Imelda Marcos na kahit sa pagtulog ay katabi ang larawan ng dating First Lady.
Si Cesar Montano naman ay nahahawig na ang dating Pangulong Ferdinand Macos na pati ang hairdo ay kopyang-kopya.
Si Beverly Salviejo ay gumaganap na Biday na ang name talaga ay Fely. Nakasama ko si Fely sa New York as one of the staff of the former First Lady during the trial of the century.
Hindi itinatanggi ni Direk Darryl Yap ang maraming death threat na kanyang natatanggap. There was a time na nagkaroon siya ng bodyguard pero naiilang siya na pinagbubukas pa siya ng pinto ng niyon. Ilang beses na siyang nagbenta ng kotse at naglipat ng bahay para iligaw ang masasama ang loob na may tangka sa kanyang buhay.
Okay lang siya sa mga basher at mas lalong pinag-uusapan ang pelikula niya na naging blockbuster.
Matapang at maangas si direk Darryl at a young director. Hindi pa man nailalabas ang Martyr Or Murderer ay iniisip na niya ang pangatlong episode ng pelikula. Kaya panoorin natin ang MoM sa March 1.