COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAG-UMPISA noong Linggo ng gabi, February 5 sa GMA ang isang Public Service Show, ang Cayetano In Action with Boy Abunda.
Isang interesting show ang binuo nina Senators Allan at Pia Cayetano na ang layunin ay para makatulong sa mga Filipino na may mga problemang hindi nila masolusyunan at sa kanila dumudulog para sa kasagutan.
Maganda at interesting din na educational pa ito sa bawat manonood. Maganda ang presentation na makare-relate ang common Pinoy sa programa with Boy’s versatility in handling this kind of show.
Sana masustain ng show ang pagtulong nila sa kapwa Pinoy.