Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine nawala ang ‘trust’ kay Macky kaya naghiwalay

MA at PA
ni Rommel Placente

FINALLY ay nagsalita na rin si Sunshine Cruz ukol sa naging hiwalayan nila ni Macky Mathay noong nakaraang taon.

Sa guesting ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda, kinompirma niya na totoong hiwalay na sila ng half  brother ng kaibigan niyang si Ara Mina.

Ayon kay Sunshine, pinili niya noong manahimik dahil may mga batang sangkot sa relasyon nila.

Sabi niya sa panayam ni Boy Abunda“I chose to be quiet because mayroong mga bata na involved, na mga anak niya na napamahal sa akin at ‘yung mga anak ko na napamahal kay Macky.

“So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano ‘yung mga pinagdaraanan namin or kung ano ‘yung pinagdaanan ko.

“Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko rito.”

Hindi man nagbigay ng detalye si Sunshine tungkol sa hiwalayan nila ni Macky, inamin niyang nawala ang tiwala at respeto sa relasyon nila.

Katulad din ito noon sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

“Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship, hindi lang love.

“Dapat nandoon ang trust, nandoon ang respect. ‘Pag mayroong isang nawala roon, it’s not going to work.

“And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinatatagal.

“Of course, you give chances, sabi nga, ‘di ba, ‘yung kay Senator Chiz [Escudero-Heart Evangelista reconciliation], masarap magkaroon ng second chances.

“Of course, you give your second chance, third chance… hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, eh.

“Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship.

“You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda ‘yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa.”

Sa tanong kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Macky, makahulugang sagot ni Sunshine: “Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …