Sunday , December 22 2024
arrest, posas, fingerprints

UTAK, ARESTADO NA
Ombudsman lady employee, pinatira ng kapwa empleyado

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang mastermind sa pamamaril sa babaeng Ombudsman employee nang ‘ikinanta’ ng naarestong gunman nitong Lunes ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III ang inarestong si Dexter Cruz y Alambat, 45 anyos, empleyado rin ng Office of the Ombudsman, residente sa Block 14, Lot 7, Central Avenue, Brgy. Culiat, Q.C.

Matatandaan, nitong 1 Febrero, bandang 8:20 am sa harap ng RCBC bank  sa kanto ng Quezon Avenue at Cordillera St., Brgy. Doña Josefa, binarily ng isang lalaki si Dianne Jane Paguirigan, 37, Admin Aide VI sa Office of the Ombudsman at nakatira sa Unang Hakbang St., Brgy. San Isidro, Galas, Q.C.

Dahil sa patuloy na isinagawang manhunt operation ay nagawang madakip ng pulisya ang gunman nitong 6 Febrero, dakong 9:20 am na si Marlon Neri, sa tahanan nito sa Novaliches Q.C.

Habang isinailalim sa custodial investigation ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Kampo Karingal, gumawa ng extrajudicial confession si Neri at itinuro si Cruz na siyang nag-utos sa kanya.

Dahil dito, agad nagsagawa ng follow-up operation ang magkasanib na puwersa ng CIDU, District Special Operation Unit (DSOU) ng QCPD sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rolando Lorenzo, Jr., Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang hanggang naaresto si Cruz sa tahanan nito pasado 7:50 pm (6 Febrero).

Sa imbestigasyon, nabatid na unang kinontrata ni Cruz ang nagngangalang ‘Mako’ at binigyan ng baril para patayin si Paguirigan ngunit tumanggi at isinauli ang pera na ibinayad sa kanya.

Napag-alaman na si Cruz at ang gunman ay magkaibigan noon pang May 2013 at nitong 1 November 2022 ay nagkita ang dalawa sa Manila North Cemetery at pinagplanohan ang pagpatay sa biktima.

Noong December 2022, ang dalawa ay muling nagkita at ibinigay ni Cruz kay Neri amg halagang P30,000 bilang kabayaran gayondin ang larawan ni Paguirigan at itinakda ang pagpatay nitong 1 Pebrero.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang 12 gauge shotgun, 1 Colt M4 Commando, 1 Bersa thunder 9mm, 1 Taurus PT 739, 4 Magazine ng Cal. 5.56; 2 magazine ng Cal. 9 mm, 1 magazine ng Cal. 380; 1 rifle bag, 2 holster; 340 live ammunitions ng cal. 5.56, 20 piraso bala ng caliber 9mm; 5 bala ng caliber 380; 1 belt bag; at isang granada.

Ksalukuyang nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder, paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at RA 9516 o ang Illegal Possession of Explosives sa Quezon City Prosecutor’s.

Pinabulaanan ni Cruz ang akusasyon laban sa kanya.

Pinuri ni Torre ang kanyang mga operatiba sa mabilis na pagkakadakip sa mga suspek at sinabing, “Ang team QCPD ay mahigpit ang pagbabantay sa buong Lungsod Quezon kung kaya binabalaan ko ang mga nagpaplanong gumawa ng krimen na katulad nito na huwag ninyong ituloy sapagkat kami ay hindi titigil sa paghahanap sa inyo hanggang mahuli namin kayo.” (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …