Sunday , December 22 2024

Orihinal na hari ng lansangan, puwede pang ipasada

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

GOOD NEWS ba ang ‘ika n’yo? Yes my dear Filipino brothers partikular para sa mga drayber ng kilalang hari ng lansangan — ang tradisyonal na jeepney.

Napakaganda ng naging desisyon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa inyo dahil ang kinakatakutan ninyong mawawala na sa lansangan ang orihinal na jeepney ay mananatiling pakner ninyo sa hanapbuhay.

Aba’y magandang balita nga iyan kabayan…at tinitiyak ko na isa sa natutuwa ngayon ay ang aking tiyuhin na si Florentino Calata a.k.a. “Lolo Tiyo” dahil mananatili sa lansangan ang partner niya sa hanapbuhay — ang kanyang ‘kabayo’ na kung hindi ako nagkakamali ay kasing-edad na ni Rose, ang kanyang panganay. Huwag na tayong magbanggit ng edad. Basta ang nasabing jeep ang naging katuwang ni Lolo Tiyo para mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang tatlong anak. Si Lolo Tiyo ay nasa edad 65 anyos na yata. Ganoon katagal niyang naging partner ang kanyang traditional jeepney. Hanggang ngayon, ipinapasada pa rin niya ito.

Heto ang ilan sa laman ng pahayag ng LTFRB…nakaka-touch kung baga. “LTFRB is extending the validity of the provisional authority or franchise of the traditional jeepneys to ensure that no one will be left behind.”

Napuna ba ang ninyo mga huling kataga…walang iniwanan. Ganyan ang pamunuan ng LTFRB ngayon – makatao, makahirap at maunawain. Siyempre, iyan ang ahensiya ngayon na pinamumunuan ni Atty. Teofilo Guadiz bilang chairman. Siyempre, katuwang ni Guadiz sa pagdedesisyon ang miyembro ng board ng ahensiya.

Kahapon, inilabas ang desisyon makaraan ang pinal na deliberasyon para sa Public Utility Vehicle Modenization Progra (PUVMP). Ito na ang ika-apat na extension na ibinigay para sa traditional jeepney at itinuturing na huli na. Naku po, magiging huli na ito? Well, hindi naman natin masabi kung talagang ito nga ang magiging huli na pero, nagpahayag na ang ahensiya.

Bagamat kompirmado na ang ekstensiyon, ayon kay Guadiz ay kanila pang pinag-aaralan o binubuo ang pinal na detalye para sa tuntunin at regulasyon para sa ekstensiyon.

Ano pa man alituntunin iyan, ang mahalaga rito ay napakagandang blita ang hatid ng LTFRB ngayon sa mga drayber.

Sa kasalukuyang talaan ng LTFRB, 60 porsiyento pa lamang ang sumailalim sa modernization program habang may 40 porsiyento pang nalalabi na target ng ahensiya para sa nasabing programa. A, basta, sa good news muna tayo para sa mga nalalabi pang driver/operator na umaasa sa kanilang orihinal na hari ng lansangan.

“We do not want to leave anybody so what we want is to have at least 95% on board if we continue this PUV modernization (program),” pahayag ni Guadiz.

“However, during the meeting, we will also discuss the possibility to fully implement the modernization program on areas where all jeepneys have already been modernized. But on areas where there are still jeepneys to be modernized, we will still stick to the traditional jeepney,” dagdag ni Guadiz.

Base sa talaan ng LTFRB, hindi pa siyento por siyentong sumailalim sa modernization ang mga jeepney, isa sa pinagbasehan at naging konsiderasyon ng ahensiya para sa ekstensiyon ay ang kakulangan ngayon ng public transportation. Nakita ng ahensiya na sa inilabas nilang desisyon, ito ay makatutulong nang malaki sa publiko sa pagsakay, pag-uwi at papunta sa trabaho.

Muli, ano pa man ang ginagawang paghahanda ni Guadiz para makamit ang target na siyento por siyento para sa jeepney modernization, ang mahalaga ngayon ay tuloy pa rin na nakapapasada at nakapaghahanap-buhay ang mga umaasa sa traditional jeepney…

Lolo Tiyo, ingat lang lagi biyahe…at ipon-ipon pa para makabili na ng modernong jeppney. Hehehehe…

Basta, salamat LTFRB sa pagdinig ninyo ulit sa karaingan ng mga drayber natin na bigyan ng palugit upang makatakbo ang kanilang mga sasakyan — ang kilalang orihinal na hari ng lansangan.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …