Sunday , December 22 2024
Becoming Ice Seguerra

Ice may kaba pa rin sa tuwing nagso-show 

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAGUGULAT pero kinakabahan pa rin pala si Ice Seguerra kapag may performance.

Kahit mahigit tatlong dekada na sa show business ay aminado ang singer na kinakabahan pa rin siya sa tuwing may big concert.

Sa February 18, gagawin ang Becoming Ice anniversary concert sa Waterfront Cebu City.

Unang isinigawa ni Ice ang kanyang 35th anniversary concert noong October 2022 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Sabi ng Pagdating ng Panahon singer tungkol sa kanyang Cebu show, “Woooooh! Naaalala ko when we first did the show sa Solaire. Ibang klase ‘yung kaba at stress na naramdaman ko. It’s always a different feeling headlining a major concert at kahit ilang taon ko na ginagawa to, hindi nagababago ‘yung pre-show jitters.

“Pero noong isa-isa nang nag-confirm ‘yung guests, gumaan pakiramdam ko ‘coz I knew I’d be sharing the stage with friends. Napakasuwerte ko na kahit big names sila sa industriya, mabilis na ‘yes’ agad when I asked them to be part of the show.”

Makakasamang muli ni Ice sa kanyang concert si Bossing Vic Sotto at aktres na si Sylvia Sanchez, na co-producer ng concert. Mapapanood din sina Martin NieveraBayang Barrios, at Frenchie Dy sa Becoming Ice concert.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …