Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Gunman na bumaril sa kawani ng Ombudsman arestado na

NAARESTO ng mga awtoridad ang lalaking umagaw sa bag at bumaril sa isang babaeng empleyado ng Office of the Ombudsman sa Quezon City, nitong 2 Pebrero ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District QCPD Director P/Brig. Gen Nicolas Torre III ang suspek na si Marlon Ayuo Nery, 47,  residente sa 151 Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 9:20 am nitong 6 Pebrero, nang maaresto ang suspek sa kaniyang tahanan sa Novaliches.

Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Torre, sa patuloy na follow-up operation ng kaniyang mga operatiba kaugnay sa pagbaril kay Diane Jane Pagurigan, 37, Admin Aide VI Office of the Ombusman noong 2 Pebrero, bandang 8:20 am sa tapat ng RCBC Bank sa Quezon Avenue malapit sa kanto ng Cordillera St., sa lungsod.

Sa tulong ng CCTV footages na nakunan ng MMDA at ng barangay, namukhaan ang suspek at natunton ang pinagtataguan nito.

Nakunan sa CCTV na tila sadyang inabangan ng suspek ang biktima at nang makita ay nagmamadaling nilapitan at biglang inagaw ang bag, saka binaril bago tumakas.

Nakompiska mula sa suspek ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala, cellphones, at isang Honda TMX color gray.

Hindi nagbigay ng anomang detalye ang suspek kung ang pamamaril ay kaniyang sinadya o ang motibo lamang nito ay holdapin ang biktima.

Samantala, patuloy pang inoobserbahan ang biktima sa ospital. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …