Sunday , December 22 2024
shabu drug arrest

Ex-con, balik-selda sa P7.1-M shabu

BALIK-HOYO ang isang ex-convict na nahulihan ng mahigit sa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Ian Torres, 37, konduktor ng bus, at residente sa Dominga St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Si Torres ay itinuturing na Rank No. 2 District Drug Personality Priority Target ng QCPD dahil sa paglabag sa Section 5 (Selling of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng QCPD-District Drug Enforcement Unit, dakong 8:50 pm nitong 6 Febrero nang maaresto ang suspek sa buy-bust operation sa isang tindahan ng barbeque na matatagpuan sa FPJ Ave., Brgy. Katipunan.

Nakompiska mula sa suspek ang tinatayang aabot sa isang kilo at 50 gramo ng shabu, na nakasilid sa paper bag at nagkakahalaga ng P7,140,000, isang cellphone at buy-bust money.

               Ayon sa mga awtoridad, dati nang nakulong ang suspek dahil sa drug charges.

“Matagal ng operation siya at matagal na rin sinusubaybayan ng ating DDEU ‘yan. May ilang test buys na rin sila at may mga surveillance. Close surveillance ang ginawa namin diyan, intensive surveillance hanggang maka-collect kami and napagkatiwalaan,” ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III.

Dagdag ni Torre, maraming kostumer ang suspek sa Quezon City at mga kalapit na lungsod sa Metro Manila, gayondin sa mga kalapit na lalawigan.

“Marami siyang binabagsakan dito sa Quezon City at sa nearby cities sa Metro Manila at mayroon din mga customer siya sa iba’t ibang kalapit probinsiya,” ayon sa QCPD chief.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang matunton kung sino ang nagsusuplay ng droga sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …