Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Bea Alonzo

Carla ‘nakorner’ ni Bea, umaming nagsisisi sa pagpapakasal kay Tom

MA at PA
ni Rommel Placente

SUMALANG si Carla Abellana sa lie-detector test challenge para sa vlog ni Bea Alonzo.

Sa isang punto ng interview, tinanong ni Bea si Carla kung nakakita ba ito ng red flags sa relasyon na hindi niya pinansin.

Sagot ni Carla, “Yes!”

At umamin din  siyang nagsisisi na ipinagwalang-bahala niya ang red flags na iyon.

I am honest enough to say I have regrets. Kailangan iano mo na siya. Hindi mo na puwedeng i-ignore. They’re called red flags for a reason,” aniya pa.

Pinagsisisihan ba niyang naikasal?

Lagi kong inire-ready ‘yung sarili ko sa question na ‘yan, na wala pa namang nagtatanong. Tapos ‘di ko pa rin alam kung anong isasagot ko.

“No!” na ang ibig sabihn ay hindi siya nagsisisi na ikinasal siya sa dating mister na si Tom Rodriguez.

Pero “lie” ang resulta ng lie-detector machine.

Humingi naman si Carla na ipaliwanag ang kanyang sagot.

Ayon sa kanya kaya sumagot siya ng ‘No’ dahil marami siyang naging konsiderasyon bago sumagot.

Paliwanag ng aktres, “Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit paano ‘yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin.

“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat, kasi part ‘yan ng plan ni God.’

“But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat ‘yon [considerations], yes, talagang magsisisi ako, nagsisisi ako!” sabi pa ni Carla na natatawa.

Kasi, honestly, talagang hindi ko pa alam, ano ba ako? Yes or no?”

Pero sumang-ayon siya sa paliwanag ni Bea na, “The rational self will justify.”

Kaya final answer ni Carla, “That’s why, yes ‘yung truth ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …