Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Princess Zian

Princess Zian game sa sexy genre, pati na sa drama at comedy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FIRST movie ng newcomer na si Princess Zian ang pelikulang Paupahan ni Direk Louie Ignacio. Ito’y mula sa 316 Media Network ni Ms. Len Carrillo at line producer dito si Dennis Evangelista.

Mula sa panulat ng prolific actess/writer na si Quinn Carrillo, tampok sa pelikula sina Tiffany Grey, Jiad Arroyo, Rob Guinto, Aica Veloso, at iba pa.

Ayon sa seksing-seksing alaga ni Lito de Guzman, game siyang magpa-sexy sa pelikula kung kailangan.

Matipid na sambit ni Princess, “Yes po ready na anytime, Under contract po ako for 5 years sa Vivamax “

Nakapag-acting workshop ba siya?

Aniya, “Nakapag-workshop na po ako and kaya ko pong patunayan na sa Viva, hindi lang paghuhubad ang kaya kong gawin, kaya ko rin sa drama and comedies.”

Dagdag pa ni Princess, “Sa pagpapa-sexy naman po, hindi ko po bibiglain ang mga viewers na hubad agad para di sila magsawa agad sa akin at para abangan nila ako sa mga susunod na projec, medyo pabitin, hahaha!

“Gusto kong maka-work po ang mga batikang aktor tulad nila Sid Lucero.”

Sa vital statistics niyang 36-24-34 at sa lakas ng sex appeal ni Princess, tiyak na maraming barako ang mag-aabang sa mga project ng hot na hot na newcomer na ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …