Sunday , December 22 2024

Mental health crisis sa eskuwela lalala sa mandatory ROTC

020623 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGBABALA ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) laban sa epekto ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), lalo sa mental health ng mga estudyante.

“Mandatory ROTC will worsen the mental health crisis in schools,” sabi ni NUSP National President Jandeil Roperos sa isang kalatas kahapon.

Nakaaalarma aniya ang “long-running mental health crisis” sa mga paaralan at ang pagpapatupad ng mandatory ROTC na magsisilbing breeding grounds para sa maging pawns ng militar ay nakasasama sa kapakanan ng mga mag-aaral.

“It will further alienate and veer them away from the very essence of education—developing a sense of community where you can freely and healthily engage with others,” ani Roperos.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), may kabuuang 404 kabataang mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagbuwis ng sariling buhay at 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay noong Academic Year (AY) 2021-2022.

“Students are already bearing mentally-draining academic load [and] the education system is already molding them into simple-minded automatons geared towards employment to jobs with meager wages,” sabi ni Roperos.

Napakahirap aniya ang sitwasyon ng kabataang Filipino kaya ang pagdaragdag ng mandatory ROTC sa equation ay magdaragdag lamang ng insulto sa pinsala.

Itinakda ngayong araw, 6 Pebrero, ang deliberasyon ng Senado sa panukalang batas na pagpapanumbalik ng mandatory ROTC sa mga paaralan.

Gayonman, ikinalungkot ni Roperos na hindi pa nakatatanggap ng imbitasyon ang NUSP para maging bahagi ng talakayan.

Dahil dito, nanawagan ang NUSP sa kabataang Filipino na huwag hayaang maipasa ang panukalang batas.

“When our voices fall into ‘deaf’ ears, let’s shout louder, together, and assert our spot in the Senate deliberations,” wika ni Roperos.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …