RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGPAMALAS ang Pinoy pride at Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith matapos makapasok sa 2023 Sundance Film Festival ang pinagbibidahan niyang horror film na In My Mother’s Skin.
Personal ding dumalo si Jasmine sa European Premiere Night na ginanap sa Rotterdam, The Netherlands kamakailan.
Ang naturang movie ay tungkol sa physical and supernatural forces at psychological trauma. Kabilang ito sa walong pelikulang napili para sa prestihiyosong International Film Festival.
Talaga namang world-class ang talent at beauty ng mga Kapuso! Congratulations and we are proud of you, Jasmine!