Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago Heart Evangelista

Angelika Santiago, idol na social media influencer si Heart Evangelista

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIAngelika Santiago ay bahagi na ngayon ng Marikit Artist Management na pinamumunuan ni Jojo Aleta. Ayon sa magandang Kapuso actress, plano niyang mas maging active ngayon sa social media.

Esplika ni Angelika, “Yes po, first focus po namin is social media. Ang goal po kasi ng Marikit, tulad po ng sabi ni Mother Jojo, gusto nilang mag-bloom po talaga and kahit paaano magkaruon kami ng name sa platform. Although if may projects naman po di naman po namin dinideny.”

Nalaman namin sa aktres na wala namang promise na future projects sa kanila agad, dahil ang unang focus nila ay ma-boost ang social media ng mga talent ng Marikit, since yun ang may malaking platform at pati na ang rebranding din nila.

Ano ang pakiramdam na part na siya ng Marikit?

“Blessed po talaga ako na maging part ng Marikit. Kasi kahit starting lang po kami, feeling po naming lahat we made a big progress. And super happy po ako to be part of a wonderful and loving family.

“Kasama ko po sa Marikit sina Barbara Miguel, Jeremy Luis, Charles Angeles, Kyle Ocampo, and Masculados po,” sambit pa ni Angelika.

Sino ang idol niyang social media influencer?

Tugon ni Angelika, “Siyempre non other than Ms. Heart Evangelista po, hehehe. Super-fan kami ng mom and friends ko. Especially kapag dadating na po yung fashion week, lagi po akong nakaabang sa instagram niya.”

Bakit idol niya si Heart bilang influencer, ano ang pinaka-gusto niya sa aktres? “Siguro po dahil sa style and wholesome personality niya rin po. Very fun and humble po kasi si Miss Heart. Yung style niya rin po kasi parang naging signature move niya na very extraordinary.”

So, parang gusto niyang sundan ang yapak ng aktres as influencer? “Siguro po if given a chance,” matipid na wika pa niya.

Hindi pa raw niya nami-meet si Heart, kung sakali, magiging fan girl at mae-excite ba siya? “Yes super po! Hahaha! Actually na-meet na po siya ng iba kong friends and sabi ay super-ganda and bait ni Miss Heart sa personal,” masayang pahayag pa ni Angelika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …