Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tess Tolentino Romm Burlat Julio Diaz

Tess Tolentino, nacha- challenge sa pelikulang Manang with Julio, Sabrina at Janice

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG aktres-producer na si Tess Tolentino ay muling mapapanood sa bagong project ni Direk Romm Burlat. Titled Manang, co-stars dito ni Ms. Tess sina Julio Diaz, Sabrina M. at Janice Jurado.  

Ano ang role niya sa pelikulang ito?

Esplika niya, “Ako ang gaganap na Manang, ako ang dating girlfriend ni Julio bago sila naging ng character na gagampanan ni Sabrina.”

Inusisa pa namin si Ms. Tess hinggil sa kanilang pelikula.

Aniya, “Ang shooting namin, sa Cubao vicinity para mag-fit sa odd jobs ni Julio… sa sakayan ng jeepney, squatter area din, at school dahil teacher and role ko here.

“Parang drama-love story ito na nagpapakita ng value or importance of education.”

Ang unang pelikulang iprinodyus ni Ms. Tess ay ang Minsa’y Isang Alitaptap starring Teresa Loyzaga, Ron Macapagal, Diego Loyzaga, Ms. Tess at Ms. Gina Pareño, sa pamamahala ni Direk Romm.

Proud siya sa pelikulang ito dahil sa rami ng awards na nakamit nito. “That’s the reason inspired ako again to produce another movie,” matipid na sambit pa niya.

Ano ang feeling niya na mga veteran ang makaka-work niya sa Manang?

Wika ni Ms. Tess, “First time na makakatrabaho ko sina Julio, Sabrina at Janice, parang feeling challenged na mga veterans sila lalo na si Julio.

“Wala pa akong preparation … I think I will leave everything kay Direk Romm. Malaki ang tiwala ko sa kanya na he will lead and transform me sa role na ia-assign niya sa akin. And sa galing ng mga beteranong artista na kasama ko, I believe na makaka-emote or madadala ako sa husay nila because I am sure na I will be able to feel the character na ipo-portray nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …