ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nanumpa si Gatchalian kay FM Jr., sa Malacañang, batay sa ipinaskil na video ng Presidential Communications Office sa Facebook.
“Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang panunumpa sa panunungkulan ni Valenzuela City First District Representative Rex Gatchalian bilang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD),” sabi sa caption ng PCO.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian bilang alkalde, napabilang ang Valenzuela sa Top 10 Outstanding Local Governance Programs sa Galing Pook Awards noong 2021. Nakilala rin si Mayor Rex para sa mga programang nailunsad para sa social protection at disaster response.”
Si Gatchalian, ay kapatid nina Senator Sherwin Gatchalian at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian.
Pinalitan niya ang journalist na si Erwin Tulfo bilang DSWD secretary na hindi nakalusot sa Commission on Appointments (CA) sanhi ng usapin sa kanyang
citizenship at libel conviction. (ROSE NOVENARIO)