NAKIISA si Gob. Daniel Fernando sa Diyosesis ng Malolos sa pagtanggap sa Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus at nanguna sa pagbigkas ng panalangin para sa ikalimang pagbisita nito sa Filipinas sa pagdiriwang ng kanyang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan at ika-100 anibersaryo ng beatipikasyon sa harap ng gusalil ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa lungsod ng Malolos, nitong Biyernes, 27 Enero.
Ang centennial reliquary, naglalaman ng labi ng kanyang binti (right femur) ay nakatakdang bumisita sa Diyosesis ng Malolos mula 26-28 Enero.
Ayon kay Fernando, ang pagtanggap sa labi ni St. Therese ay paraan upang pagtibayin ng mga Bulakenyo ang kanilang pananampalataya.
“Tayong mga Bulakenyo ay likas na may takot sa Diyos at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Sa ating pagtanggap sa labi ni St. Therese ay isang paraan hindi lang upang maipagpatuloy ang kanyang layuning maging misyonaryo, ito rin ay makatutulong upang mas patatagin pa ang pananampalataya natin dito sa Bulacan,” ani Fernando.
Sinabi ni Bro. Luis Tan ng Diyosesis ng Malolos na ang pagbibigay halaga sa ganitong aktibidad ay nagbibigay ng katuparan sa tungkulin ng santo bilang isang misyonerong Katoliko.
“Ang pagdating ni San Juan Bautista. Ipinagmamalaki ni Therese ang tuwing sasalubungin ang mga labi ay ang pagsalubong mismo sa santo. ‘Ang kanyang paglalakbay sa atin, para sa layunin ni San Juan Bautista. Therese sa atin at saka ito ang katuparan niya kung madre pa siya, magiging misyonero siya sa buong mundo,” paliwanag ni Tan.
Dinala ang Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus sa Camp Alejo Santos para sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Dennis C. Villarojo. (MICKA BAUTISTA)