Friday , November 15 2024

 ‘Pangil’ ng LTO,  nagagamit na sa tamang paraan

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KAPANSIN-PANSIN ngayon ang ‘tapang’ ng Land Transportation Office (LTO) sa mabilisang pagtugon laban sa mga drayber na nasasangkot sa aksidente – agad na ipinatatawag o pinadadalhan ng ahensiya ng “show cause order” ang drayber maging ang may-ari ng sasakyan para sa isang imbestigasyon.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang ‘pangil’ ng LTO, lamang, hindi ito gaanong ginagamit ng mga nagdaang administrasyon ng ahensiya kaya ang tanggapan ay nakikilala lamang ng mamamayan bilang taga-isyu ng mga naaaprobahang driver’s license.

Bukod dito, nakikilala lamang din ang LTO noon dahil sa mababagsik nilang mga operatiba sa mga lasangan – ang Flying Squad dahil sa panghuhuli. Ngunit kakaiba ang pagkakakilala ang batid ng mamamayan hindi lang ng mga hinuhuling drayber.

Nakikilala ang grupong Flying Squad dahil sa pangongotong  sa mga drayber sa highway.

Nakikilala din ang LTO sa korupsiyon na nangyayari sa loob ng ahensiya – kasabwat ang mga fixer.

Dahil sa mga pagkakakilanlan sa ganitong estilo ng LTO noon, desmayadong magreklamo sa ahensiya ang mga biktima ng korupsiyon lalo ang mga indibiduwal na gustong magreklamo laban sa mga abusadong drayber sa lansangan – ito man ay pribado o pampubliko.

Pero tulad nga ng naunang nabanggit, kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa LTO – nagagamit na sa tama ang ‘pangil’ ng ahensiya. Yes, para sa inyong kaalaman mga kapatid, ang LTO ay mayroon din “police power.”

Simula nang ipagkatiwala ang tanggapan kay dating LTO Chief, Atty. Teodoro Guadiz na ngayo’y Chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakikilala at inirerespeto na ang LTO.

Nakikilala ang LTO dahil ginagamit na ng ahensiya sa tamang paraan ang kanilang “police power” lalo na sa mga sasakyang nasasangkot sa aksidente na kung saan ay may pedestrian na sugatan o namatay.

Agad ipinatatawag ni Guadiz o pinadadalhan ng show cause order ang drayber at may-ari ng sasakyan. Pinagpapaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang lisensiya ng driver na sangkot sa aksidente.

Katunayan sa tamang estilo ni Guadiz, marami na’ng driver ang nakompiskahan ng lisensiya – kung hindi man nasususpinde ng 30-araw ay talagang binabawi na ang lisensiya. Siyempre, ang natutuwa dito ay ang mga biktimang pedestrian at mamamayan.

Bukod dito, nilinis din ni Gaudiz ang loob ng ahensiya laban sa mga ‘corrupt’ na kawani.

Dahil dito, dumarami ang nagtitiwala ngayon sa LTO at unti-unti nang nawawala ang masamang imahen ng ahensiya.

Nawala man sa LTO si Guadiz at pinalitan ni Asec. Jay-Art Tugade bilang hepe, ipinagpatuloy ni Tugade ang paglilinis sa ahensiya. Gaya ni Guadiz, marami-rami na rin mga abusadong driver sa lansangan ang pinadalhan ng show cause order – sinuspende o kinompiska ang kanilang lisensiya habang mayroong mga binawian ng lisensiya. Meaning ang mga binawian ay “for life” nang hindi makapagmamaneho maliban kung makalulusot sila sa kanilang alibi kapag umapela.

Sa pamumuno naman ni Tugade, dumarami na rin ang mga mamamayan na nagppunta sa ahensiya para magreklamo laban sa mga abusadong driver…dahil inaaksiyonan agad ito. Hindi man personal na nagrereklamo kung hindi sa online ipinararating ang kanilang karaingan.

Isinulat natin hindi lamang para pasalamatan sina Gaudiz at Tugade sa tamang paggamit sa police power ng ahensiya kung hindi para iparating din sa publiko na iba na ang LTO ngayon – hindi lang kilala ang ahensiya sa pagbibigay ng lisensiya kung hindi sa paglilingkod sa mamamayan. Kaya, kung ikaw ay biktima ng mga abusadong driver, huwag kayong mag-atubili na magharap ng reklamo sa ahensiya. Tinitiyak namin sa inyo na bibigyang prayoridad ang inyong karaingan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …